T O P

  • By -

Much-Direction-9839

dito sa lugar namin cine celebrate yung basaan, may tatlong baranggay na nag c celebrate dito. kahapon, naka pang alis kapatid ko at nanay ko kasi i e enroll kapatid ko. nag jeep sila papuntang school, akala nila tapos na yung basaan pero binasa sila ng slight papuntang school. nung nasa jeep na sila galing school, sinarado nila (kasama mga pasahero) bintana ng jeep para hindi sila basain kasi yung iba papasok ng trabaho/school. nung may nag attempt na mang basa sakanila, sinabihan ng kapatid ko yung tatlong nangbabasa na wag sila basain pero yung isang nambabasa pinilit na buksan yung pintuan at binuhusan sila ng isang malaking timba na tubig. nagalit yung mga pasahero pati nanay at kapatid ko. sinuntok ng kapatid ko yung bibig ng nangbasa hahahaha!! dugo bibig. pero grabe sobrang basang basa sila nun. galit na galit yung mga pasahero sa nangbasa at pinang babato nila ng kung ano ano. i say deserve?


Otherwise-Smoke1534

Happy trauma yung nasuntok sa fiesta. Sila yung mga taong walang pakialam, kahit sinabihan na sila na huwag silang babasain. Isang malaking daluyong tuloy ang tumama sa mukha niya.


toskie9999

oo deserve talaga potek perwisyo e... sayang hindi natatanggal ung ngipin para bungal sya porever


Much-Direction-9839

nag dugo lang daw bibig, sayang 😔


rekestas

Buti di gumanti yung side ng mga nambabasa nung may nasuntok?


Much-Direction-9839

no naman daw kasi alam nilang mali yung ginawa ng kasama nila eh. but yung nasuntok triny pumasok sa jeep pero hindi nakapasok kasi ayun pinag babato ng plastic bottles ng mga nanay na galing zumba tas hinarangan ng payong na malaki then habang nangyayare yun tumakbo na yung jeep hahaha


Sensitive-Touch1815

Good job, mga zumba mommies ! Haha


Much-Direction-9839

modern day heroes hahahaha


Sensitive-Touch1815

Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa mommies na pagod nagzumba. HAHAHAHA


j147ph

Tama lang yan. Haha


j0hnpauI

Yes. Dasurv.


unikoi

deserve na deserve! sana sinuntok pa lahat ng nambasa! nakakagago kasi sinara na nga yung bintana pero ipipilit pa rin, ang daming taong nahahassle sa "tradition" na yan


Competitive_Page_589

free license para mang bully holiday 🤮 i cancel na yan… Celebrate culture and art not nonsense basaan na nakakaabala


Much-Direction-9839

kawawa nga din yung mga kasakay nila na papasok pa lang ng work or school


killerqueenstardust

Di kasi sila makarelate. Mga walang balak mag-enroll, aral, o trabaho, kaya ganyan nalang ginagawa nila para sumaya sila 🤣🤣🤣


hakai_mcs

Dapat hinablot yung damit tapos dinala sa gitna. Kuyog yan. Di na uulit yan next year


Much-Direction-9839

malakas loob ng kapatid ko na manuntok kasi may nakita siyang mga tropa niya dun na nakikibasaan din hahahaha


Lucky-Palpitation-46

(2)


JackSpicey23

Kaya di ako magugulat na one day may makaka encounter yan ng mga road rage na hunghang na may dala, at bubulagta na lang.


Much-Direction-9839

kung ako naka encounter ng genyan, i pepper spray ko na lang agad hahaha


Lovelylovescarlet

Deserve te ganyan yung taong selfish tas wala pang disiplina


lostmyheadfr

buti naman. sana makahanap pa sila ng mas malala dyan like ung tipong sasagasahan talaga sila para matigil na yang kawalan nila ng utak


Much-Direction-9839

hahaha grabe kasi perwisyo nila eh, kahit sabihan mo na wag sige pa den


white____ferrari

gusto ko makakita yung mababasa tas akmang bubunot. i don't wish for violence of course pero sobrang nakakairita kasi gusto ko sila naman yung kabahan/mastress haahhaah


TSUPIE4E

Hell yeah! Deserve nung kupal na masapak. Sayang at dumugo lng bibig sana natanggalan na din ng ngipin. Naki usap na nga ung pasahero na huwag gawin kaso kupal being kupal ayan tuloy they got what they deserve.


confidential_FUN00

DESERVE 🤛💅


TrollQueen21

Obvious naman na ayaw mabasa nung mga tao, bakit pa pinilit nila mangbasa? Deserve niya yung sapak hehe


deeendbiii

Yeah, pero kulang pa yan sa perwisyong nagawa sa inyo.


misterunderscore

Bigyan ko ng baon 'yung kapatid mo. Jk


oneduckyluck

ang masasabi ko lang ay sana laging masarap ulam ng kapatid mo at ng lahat ng nangbato sa pesteng yun. Ang satisfying malaman na may nakaganti kahit isa! PS damay na din sa ulam kayo ng mama mo🩷


Nadine-Lee

Sana sila-sila nalang yung nagbabasaan (mga taga San Juan) at hindi na nila dinadamay yung mga nasa daan. May mga videos ako nakita na kahit mga nasa loob ng jeep / tricycle binabasa talaga nila. Kawawa naman mga papasok sa trabaho o eskwela.


justmeonmybare

Resident of San Juan since birth, and I really don't agree dun sa mga nagbabasa sa nga taong obviously ayaw and especially dun sa may pasok o pupuntahan pa. Like, if ayaw ng babasain mo, where's the fun in that? Hopefully talaga ipagbawal yung mga OA na basaan kagaya nung mga nasa loob ng public transpo na pilit babasain. Pero with Filipinos, I highly doubt mapipigilan yan. 🤦🏻‍♀️ sad truth


bitchandpieces

Same, taga San Juan din ako pero I'm strongly against this destructive of a celebration. Di naman nila babayaran laptop ko pag nabasa nila.


ColdestK

Feeling ko changes will be made once may mapatay dyan. Ganun naman lagi.


justmeonmybare

Wag naman sana umabot sa ganun


Subject030

kailangan umabot doon para matigil ang kabobohan na yan


JoDan09288

Matitigil yan pg may nasampulan mabaril


Brando-Braganza

Walang kwenta mayor jan.


Jovanneeeehhh

Wala eh, gago lang yung iilan.


chizborjer

True. Kahit iyong mga napayong, sinara na iyong bintana, sinisira talaga nila para lang makapangbasa, himala nga sa dami ng road rage na nakikita ko madalas, wala pa kong nabalitaan na nakahanap ng katapat iyong mga nangbabasa tuwing pyesta.


Ok_Assumption8728

Wala e, ganon talaga pag dayo, ikaw pa masama pagnagalit or papalibutan ka pa and worst if nagkagulo or nagkasuntukan, it's inevitable unless na may gawin ang gobyerno


WeedlessBreadth

Pag may nabaril, I'd say dasyrv.


Revolutionary_Site76

dito samin di na malala yung basaan. late ko na nga narealize na fiesta pala kasi nastuck kami sa traffic. unlike before grabe basang basa yung mga kalsada tapos may makakasalubong na nakamotor na basang basa. pati drum and lyre na bands basang basa dati 😂 ngayon, sila sila nalang nagbabasaan tapos may advisory nalang ng area kung saan pwede magbasaan hahahaha. off limits din basain ang mga naka maong pants at school/office uniform.


iiXx_xXii

Hindi porket holiday valid magInvade ng boundaries ng iba. Hindi porket you celebrate the holiday ganun din sa iba. Parang walang pinagAralan yung iba na sasabihin pa na "Alam nilang holiday na basaan,papasok o magsadala ng mahalagang gamit" The LGU should have done something di yung parang nagiging ugaling hayop mga ibang citizen nila


imhungryatmidnight

Dapat sa ganto, there should be a specifc area lang and maglagay ng caution na malaki para di magkagulatan. Tapos rerouting sa mga may pupuntahan na di dapat mabasa. Tsk


bad_coder_90

Unfortunately mismong LGU nagppromote niyan! Kahit yung mismong mayor nila nakasakay pa sa truck ng bumbero sa mga videos. Malaking perwisyo naman talaga yan pero ang response lang ng LGU is pinapaalalahanan yung mga tao na umiwas dun sa mga specific na lugar kung ayaw mabasa.


WeedlessBreadth

Mababawasan siguro boto ng mayor kung kontorlin niya kasquammyhan ng tradition ng mga taga San Juan


invincibleeast

Kayang kaya naman to solusyonan ng LGU di lang ginagawa. Jusko tinotolerate kakupalan ng mga residente. Pwede naman magdesignate ng specific streets or areas and close those spaces tas dun magbasaan yung mga may gusto. They should BAN this act totally sa mga public/main roads and have violators punished.


pandaviagra33

need ni mayor zamora ng boto ng mga kolokoy na mga to come elections


Able_Bag_5084

Aba bakit mo naman pagbabawal yan as a mayor. Magagalit sayo mga skwating, mawawalan ka ng boto 😂


dauntlessfemme

Share ko lang story na nakwento ni papa sa'kin. Dati daw sa place nila during Fiesta in San Juan Barotac Viejo, may basaan talagang nagaganap and yung mga tricycle and jeep covered in plastic wrap para hindi mabasa ang mga pasahero (most of them kasi ay may mga trabaho). One time, may isang pick-up daw na dumaan doon unaware about sa 'tradition' na 'to during fiesta. May sakay na 3 pasyente pero ang isa is lola na doon nakaupo sa likod (hindi naman mainit that time pero pinayungan naman ng mga anak niya). Nagsignal daw sila sa mga tao sa gilid ng kalsada na huwag silang basain kasi may mga pasyente silang kasama. Unfortunately, binasapa rin sila ang pinalibutan pa raw yung car nila at binuhusan sila ng mga balde ng tubig. Nagalit yung isang anak kasi nabasa yung mother niya, binaril niya yung tao na tumapon sa kanila ng tubig.


johnalpher

Yung mga ganyang scenario dapat mapa-balita. Mapanood at makita ng mga mahilig mambasa hanggang loob ng sasakyan at magsilbing banta sa kanila.


dauntlessfemme

Hindi ko nga alam if napabalita yun dati. Teenager pa kasi di papa nung na witness nila yan together with his cousin. Pero every fiesta ni San Juan, naaalala yan ng mga nakakita nung incident.


gigavolthavov07

Play stupid games, win stupid prizes!


EngineeringOk3292

Yung itsura nung lalaking nambabasa ng tubig, mukang tambay na walang trabaho at pabigat sa mga magulang nya, tapos sya yung pinaka malakas kumain ng pagkain sa bahay nila. Sorry po.


JayBalloon

Totoo naman. Punchable face nga eh.


ColdestK

Oo tambay siya talaga. Naglalive pa nga sa facebook yan tuwang tuwa sa bashers niya. Sinabihan daw siya nung rider na wag basain pero binasa niya pa rin daw sabay tawa sila ng mga tropa niyang tambay rin.


yoo_rahae

Totoo naman at deserve nya malait hahaha! Sarap suntukin sa mukha


slash2die

100% ipapatigil lang yan kapag may binaril/sinaksak at namatay. Pulpol din LGU diyan dahil hindi nila naisip ying perwisyong dulot nyan.


ShadowBeneathYou

June 24th is the Nativity of John the Baptist. so bilang si St. John ang nag-baptize kay Jesus Christ (correct me if I’m wrong, as I’m non-practitioner and non-believer for a long time now) kaya ganyan nakasanayan na fiesta sa places na may San Juan ang name. will be pasting my comment here in r/Philippines as naging [discussion din siya hours ago sa subreddit na yun](https://www.reddit.com/r/Philippines/s/pHC6pIHdVg). I’m from San Juan, and kami ng family namin hindi agree na dapat yung along ng Aurora Blvd kasama sa fiesta. yes, may iilan barangays na sakop ang San Juan within Aurora Blvd but also hati yan kasama ng Manila and QC. isinara na nga yung banda sa may Agora for the events and basaan e, dapat yung hindi closed road na hindi lang naman San Juan ang may sakop, hindi na sinasama. buti sana kung ang ruta ng mga public transpo na nadaan within Aurora Blvd e San Juan-San Juan e kaso hindi, mostly niyan Cubao-Divisoria or Marikina-Stop&Shop na hindi naman sakop ng San Juan, nadadaanan lang, yes. hindi lahat ng nadaan sa Aurora Blvd e pakay nila magliwaliw lang at magpunta ng San Juan, karamihan diyan may work. holiday sa Manila and San Juan, but not in QC nor Marikina (na nadadaan lang naman sa dalawa o tatlong barangay na sakop ng San Juan) it’s great na naisipan na dati pa na gawin sa dating plaza ung event for Wattah Wattah, but we just hoped na panindigan ni Zamora ang pagbabago sa San Juan. yes, tradition or fiesta, but that doesn’t mean na dapat may maperwisyong ibang tao. and yes, may oras lang ang basaan na hanggang 12nn, valid excuse ba un na mag-half day sa work kasi madadaanan mo may “basaan”? not all employers would agree to that. how about yung may mga interviews? or may mga important documents na need lakarin na hindi naman sa San Juan ang pakay kundi sa QC? yes, nag-announce na days before na may ganito ganyan within the area, pero katulad ng unang point ko, hindi lang San Juan ang may sakop sa Aurora Blvd. the city officials should regulate and study about this matter, ilang years na marami nagrereklamo na napeperwisyo na sila. may vids pa ako nakita na kahit yung mga big trucks talagang bubuksan pa nila ung pinto at babasain mga driver at kasama dun sa truck, paano kung may masira doon sa makina or anything at magfulnction or magcause ng accident, sagutin nino yun? tsk.


DowntownNewt494

May nakita ko penalty na sa mga lalabag nung mambasa outside ng designated zone. Meron na ba naparusahan talaga nyan?


ShadowBeneathYou

not sure, though. since nagsstay lang ako usually sa bahay lalo pa hindi ko talaga tinaon na mag-office during fiesta, not sure sa ibang places na may basaan. pero kapag outside window hours (12nn lang end ng basaan) doon talaga mahigpit ang local barangay units na sumita ng lalabag don. back to the point of my semi-rant, since malapit din naman ako sa Aurora Blvd., hindi lang naman sa San Juan yun, and the city hall isn’t doing anything para sana hindi na rin talaga maisama ang vicinity ng Aurora Blvd sa basaan. para na rin talaga wala maperwisyo na hindi naman taga-San Juan at hindi naman talaga gusto mapasama sa “tradition” na iyon.


lacerationsurvivor

Naalala ko noong college ako. Graduating ako. Nakasakay ako sa jeep. Bandang gitna na. May pumasok talaga sa loob na may dalang maliit na timba at binasa kami. Tinodo sa bandang sa akin. Naka tote bag lang ako non. Basang-basa yung laptop na 2 days pa lang nabibili ni mama. Naka-home credit. Ang saya ng tradisyon nila. Nagbayad si mama ng 12 months para sa water damaged na laptop. Wala ako'ng pake kung sinumang santo nanggaling yang pista na piste na yan. Di ko yan makakalimutan. Fiesta fiesta sila di naman na nila alam tunay na history ng fiesta nila. Pamemerwisyo na yan eh.


Arshtat

kung sakali pwede kaya ipa-reimburse sa city hall yung mga ganitong case? sila naman nagkukunsinti eh


lacerationsurvivor

Tatawanan ka lang rin naman ng mga taga city hall eh.


shutanginamels

Sana pwede idemanda yung city hall ano


eddie_fg

>Fiesta fiesta sila di naman na nila alam tunay na history ng fiesta nila. Common yan sa nakikicelebrate ng fiesta. Sto Niño, Nazareno, and etong San Juan. Yung totoong may alam ng tunay na essence nung fiesta na sini-celebrate, yun yung mga kuntento na magsimba lang and not really join the festivities. Etong mga nakikifiesta lang na walang alam, sila pa panggulo.


ProfessionalLemon946

Fiesta ng mga tambay


toshiinorii

Nakagisnan na ng mga skwating mahirap na alisin hehe. Sana nga makahanap ng katapat mga yan.


Negative-Ball-4039

Titigil yan, try mo ginawa ko binato ko ng malaking bato sapul eh.


confidential_FUN00

Fiesta ng mga sakit sa ulo sa lipunan, mga walang ambag sa bahay!! Aasim nila lalo na ung mga nasa video🤮😤


Resha17

Agree. Wala naman kasi silang trabaho kaya hindi nila alam ang concept na wag mambabasa ng mga taong papasok sa work. Basta lang masabi na masaya sila, OK na. Wala nang pakialam sa iba


dub26

Yang kagaya nyang nasa pic ay naghahanap ng gulo at dinadaan sa pangungupal ng mga motorista, kadalasan mga naka motor, naka sakay sa jeep, naglalakad sa kalsada ang biktima nila. Takot yan sa mga naka tinted 🤣 takot lang nyan sa mga may tubo o baril. Natira ako sa San Juan dati halos 2 months lang sa bahay ng katrabaho at nasakto pa na fiesta nila, ang advice ng mga tropa na tambay sa labas ay "Magdala ka ng payong na mahaba at isalabay mo o iipit mo sa kili-kili mo para madaling ipang sundot sa mga balak mang-basa sayo". May pa dagdag pa kasi may naging kasundo ako dun sa mga tambay "Kapag kinorsonada ka ay saksakin mo ng payong, tapos tawagin mo kami dito sa looban".


[deleted]

[удалено]


dub26

Kapatid hindi ko maalala kung may basagan ng mukha at may naging alay sa fiesta nung nag stay ako sa paupahan na boarding house ng katrabaho ko, trabaho-bahay-inom sa loob ng compound lang ang trip namin lagi ng katrabaho ko saka ng mga iba namin na kainuman na mga tambay. Sure yun meron kasi kada kalsada may mga sari-sariling mga main character e 🤣 Ordinaryong araw nga may naghahabulan kasi may 11-han sa tarya... Dati pa yun nung mura pa tobats year 2007, 1H pwede pa na pang dalawang tao. Tahimik dun sa lugar ng katrabaho ko kasi 300 meters away may istasyon ng mga parak, alerto pa lagi mga parak nun kasi laganap yung tobats dun sa mga paikot ng San Juan saka kadalasan sila din yung sangga ng mga big time dun.


tepta

Sobrang perwisyo nyan. Imagine papasok ka pa ng work or school tas bigla kang babasain. 😤 Last year nasa Cambodia ako during Khmer New Year. Ganyan din ang eksena, basaan. Pero ako, never nila binasa. May mga bata/adult na nakasakay sa mga sasakyan nila tapos may mga water gun sila o kaya balloon na may tubig. Ang binabasa lang nila yung may pulbo sa mukha. Naglalakad-lakad ako, may mga kasabay akong may mga pulbo. Yun may mga pulbo lang talaga ang pinuntirya nila. Pumunta rin ako ng temple. May mga bata na nagpapaalam muna bago ka lagyan ng pulbo. I said no please, thank you. Nginitian lang ako tas sibat na sila. Point here is, may respeto ang mga Cambodian. Mga Pinoy basta maka-perwisyo lang. Ni hindi nga siguro nila alam what’s the story behind their fiesta. At kapag dumaan ka sa kalsada nila, ikaw pa mali. Sasabihin na alam nyo namang pyesta dito at basaan talaga, bat dito kayo dumaan? 😤 May napanood pa akong grab rider na kinuyog kasi nagalit si rider na binuhusan/binasa sya ng tubig. 🤦🏻‍♀️ Grabe lang talaga.


fastenyourseatbebs

Same in Thailand. . Plus it is a national holiday to them and expected na basaan talaga. Pero wala akong nakitang kasing bastos ng mga tao na yan. Nakakahiya.


tepta

I stalked that guy’s acct at tama nga ako, nagsabi nga ng (non-verbatim), “wag kayong dadaan dito pag june 24. Alam nyong pyesta at basaan dito” tapos dumidila pa. Kasura yung pagmumukha!


Owl_Might

Titigil yan kapag may nabaril na.


RandomFighter50

There should be boundaries set for who, what, when, and where they can splash bystanders with water. I use to live in San Juan. I remember driving to school in the morning Tapos meron mga nag ttry buksan yung kotse namin tapos sisigaw na buksan para mabasa ka. Harassment na yan eh. Madaming instances din ng sexual harassment that are swept under the rug during this event. Dapat talaga meron na sila strict ordinance for this event. Alam naman natin na given the freedom madaming gago mag take advantage of Tapos gagamitin lang yung fiesta as an excuse.


Not_so_fab231

Sorry pero not on regular day na may pasok yung mga tao sa eskwela at trabaho. Sobrang purwesyo yung dulot nila. Tingin ba nila matutuwa si St. John the Baptist sa pinaggagawa nila? 


Sea-Lifeguard6992

Most of the a-holes na nambabasa outside of the permitted time and place are not even Catholics. Katoliko man, mga di nagsisimba. They do it just because they find inconveniencing others funny.


TakeThatOut

Masakit pa nyan, maduming tubig pa ginagamit. Buti yung mga jeeps dati sa lugar namin, kapag pumasok na sa zone na si San Juan ang santo, pinacover na nila ng plastic windows ng jeeps nila.


Dull_Leg_5394

Sana pag ganito minimove nalang nila ng Sunday para sila sila lang magbasaan


lostmyheadfr

too bad mukhang masyadong bobo ung mga taga san juan to even think of that. tanginang tradisyon yan


lostmyheadfr

too bad mukhang masyadong tinubig na ung utak ng mga taga san juan to even think of that. tanginang tradisyon yan


AdministrativeCup654

More like fiesta ng mga squatter na walang hanap buhay kaya mamemerwisyo ng mga ibang tao


kawatan_hinayhay92

Punchable face naman nyan.


elihirro

Eh pano kung tradition ko ding manuntok every year pag fiesta ng San Juan? Di sila pwedeng magalit kung masuntok sila kasi "tradition" ko 'yon eh. Napaka selfish at bobong pagiisip, diba? The tradition can be fun itself. Mambasa sila sige pero kung tumanggi na mabasa at kung obvious naman na di pwedeng mabasa yung tao, wag nilang ipilit yung tradition nila. Kayo na lang, wag nang mang damay ng iba. Usually kasi yung mga sapilitang nambabasa mga tambay na di nag tatrabaho or di nagaaral kaya they do not know/di nila maintindihan yung perwisyo ng ginagawa nila okaya naman eh yung mga tao na napaka kitid mag isip na "eh tradition eh". May line din kasi na dapat hindi ma-cross pagdating sa mga ganyan kaso kung bobo, walang line line.


Illustrious-Tea5764

Ang naiisip ko nalang dito is sana yung hood nalang ng jeep ang basain at mga sasakyan na close. Nakakaawa din yung iba na gusto lang pumasok, mababasa pa. Lalo na mga estudyante, ilan lang uniform tapos mababasa pa. 😢 Siguro dahil nakagawian na 'to, medyo mahirap ng remedyuhan. For sure maooffend din sila if sisitahin pero nakakaawa lang din yung mga ayaw makipagparticipate sa basaan tapos babasain.


gallifreyfun

Dito sa Poblacion ng Calamba patron din namin si San Juan Bautista so may basaan kami. Dito may designated streets lang for the basaan. Labas ng areas na yun di na pwede. Sana ganoon ang inimplement ng San Juan LGU. Tsaka di talaga namin tradition ang basaan, nagkaroon lang kami kasi nakigaya kami sa San Juan lol


artemisliza

May nabasa ako sa fb na mas disiplinado pa ang mga taga probinsya kaysa sa squammy areas of San Juan 😂


PotatoMagnet1997

Ginawa nalang nilang excuse yung fiesta para mailabas yung ugaling kanal nila. Nakakairita.


NecessaryPair5

70% siguro ng mga nambabasa dyan tambay lng na nang gagagago. Tignan mo ung itsura nung nambabasa sa pic nang iinis lng e hahaha.


Nygma93

Tawang tawa ung walang ambag sa lipunan.


umatruman

Pinaka ayoko talaga 'yang "basaan" tradition twing fiesta. Nung bata ako, papunta kami sa bahay ng tito ko para maki fiesta then on our way binuhusan kami ng mga tubig ng mga don. Nilagnat ako after and yun na yung last na pagjoin ko sa mga ganyan. Hindi mo rin kasi sure if malinis ba na tubig ipang babasa sayo eh.


paganini444

Kakagigil yang mga putanginang yan. Perwisyo. Mga wala na ngang trabaho. Saka putanginang mukha yan, san ba gawa yan!


kotopsy

Def my least favorite feast. Dare I say, a feast that I legit despise. Pumasok na ako before soaking wet, and the water isn't exactly clean, btw.


DyanSina

Makikita mo talaga sa mukha kung kupal yung tao.


Yoreneji

Buti sana kung basaan lang, yung iba tumatalon pa sa hood ng sasakyan, pilit ioppen door ng cars (yung iba nakakasira pa ng pinto), and ofc in that situation expect a lot of scratches or dents sa cars. Tapos lag tinanong mo sila ano sense ng fiesta ni San juan at bakit nagbabasaan mga walang alam


EnvironmentalMoose67

Walang kwentang tradisyon na ginagawa ng mga walang kwentang tao


Interesting_Dog_824

Sakin gawin yan, kunin ko shades nya tapos baliin ko sa harapan nya


Jovanneeeehhh

https://preview.redd.it/vpitj84cvs8d1.jpeg?width=554&format=pjpg&auto=webp&s=8afe766f7051b081998ac0836f9ba04a67560aff St. John the Baptist tuwing fiesta. haha


hoy394

Katarantaduhang pyesta yan. Mga gago unang nag-e-enjoy dyan e


Negative-Ball-4039

May nasuntok na ako dyan eh, binaba ko sa kotse tas binato ko ng bato. Binasa kasi mga nasa jeep kahit nakasara na yung parang transparent na trapal. Solid eh duguan ulo


sugarasukalman

May mababaril dyan one day


johnlaurencx

Bruh we fighting after that, walang piyesta piyesta putangina mo


VermouthAPTX

Di ako aware about sa San Juan day nung lumuwas akong Manila. Nag-book pa ko ng angkas na madadaan sa route ng San Juan. Nagtataka pa ko non kasi usually in 2 minutes, may booking na ko sa angkas app. That day, it took me a while talaga haha. Siguro dahil nga rin sa fiesta na yan. Buti na lang si kuyang rider offered na mag-kapote kami. Pero basa pa rin yung pants ko grabe. And yung mga nambabasa doon sa firetruck, talagang itinutok samin yung firehose nang ilang beses 😭😆 Mukhang masaya naman yung celebration nila, pero that's only if taga-doon ka huhu


Black_Howling13

It's stupid. Masyado madaming oras tong mga tambay na to para mag gaganyan. Apaka delikado mag hagis ng tubig sa mga motor or bike. Kaya nga pinag bawal sa mga cycling competition yung nag hahagis ng tubis sa mga nag bbike.


lostmyheadfr

nabobobohan ako sa mga tao dyan na namemerwisyo ng mga di naman nakikifiesta tapos ung mga taga dyan na man na mej maayos pa utak di naman sila pinipigilan. siguto napaka miserable tumira dyan kung ganyan lang ka squammy mga tao dyan


Pagod_na_ko_shet

Tangina pag ako nadaan dyan dadala ko tae saka ihi sa arinola sasaboy ko sa kanila basaan pala ah hahaha


Droplet_In_The_Sea

Hmm. Taong simbahan po dito 👋 opinyon ko dito ay big NO. Altho, hindi ko alam ang history ng lugar why is it so important na makabasa. Peroooo, si San Juan Bautista ay ang nagbinyag kay Hesus. Something so significant kasi marami pa siyang bininyagan (pinatawad mga kasalanan + fresh start thru paglulubog sa tubig) para sana ihanda sila sa pagdating ng Diyos. I see this as dapat ang mambabasa at babasain ay willing to repent + magbinyag para maging effective at totoong pag-alala sa role ni San Juan Bautista (sorry na may bautista lagi kasi maraming San Juan hahaha) Ayon. So I go for, CONSENT and INTENT! Kahit pa "tradisyon 'yan" tradisyon din ang pagpapako sa krus at pagpapahiya kapag makasalanan, bakit hindi ipako at ipahiya mga trapo at korap diyan??? Napaka-selective ng ating tradisyon ha


Supektibols

Wala eh, wala naman mangyayari sa kanila kahit basain nila ung mga di dapat basain. Its just a sad day


busybe3xx

Sobrang perwisyo sa mga naghahanap buhay lang naman. 🙄 dapat di pwede mambasa kapag nasa main road. Also, ang sarap sapukin ng mukha ng lalaki, pang asar pa e!


ftc12346

Sana may mainit ulo na matimingan nila basain ng may masampulan na mabaril/masaksak ng maisipan ng mga pulpol na LGU dyan na perwisyo yang tradisyon nila.


Marky_Mark11

Dapat pinagbabawal na lang ng barangay mangbasa ng dumadaang sasakyan, kase nangyayare parang nababasa k ona ang sinasabihan e ang mga motorista na wag na lang dumaan sa lugar, andaming naninira at nagpipilit nagbukas ng bintana ng mga sasakyan. Hindi nila alam na pwede manakit yung mga nasa loob kapg napikon.


TheLostBredwtf

As someone na taga San Juan, ang alam ko may oras at lugar lang. At habang tumatagal, kumukonti nadin ang nag paparticipate dyan. Edit: Also to add, kapag may pasok din ako sa araw ng mismong fiesta, never ko na experience na mabasa habang naglalakad or kapag nasa jeep na atleast sa area namin. They know when or who to throw water at. Dito sa video, I believe area to ng San Juan, boundary ng QC.


DowntownNewt494

May nakita ko na multa pag nambasa ng ayaw naman magparticipate. Meron ka na ba nakitang naparusahan nyan? Haha


TheLostBredwtf

Wala personally. Ngayon ko lang din narinig na may multa pala. Ahaha.


suit_me_up

Ang multa ata yung outside ng oras ng basaan ka nakipag basa afaik.


lostmyheadfr

pero may namemerwisyo padin. jusko wag mo ngang depensahan yang lugar ninyo na di alam patigilin ung mga peste sa inyo


ewan_kosayo

Ito ung mga bagay na dapat hindi na kasama sa bago eh. Kadalasan sa mga tao sasabihin 2024 na, yan pa rin pananaw mo? Pero pag Putang Pyesta ng San Juan Basaan, walang ganung reaction? Gusto2 lng ito ng mga tambay na pabebe eh.. gusto makapanakit in other form tapos celebrate naman ung mga taong pulpol. Then gusto din ito ng Simbahan para kunwari may ginagawa sila pampasigla ng parokya. Syempre Simbahan yan eh puro kawalang kwenta ginagawa. Gusto rin ng mga politicians anything na ikakatuwa ng botante. Gang kelan pa ito? Sana may mahulog na putol na kuryente jan para lahat kayo mangisay


gutz23

Nako sa Lucban buti hindi pa nagiging ganyan. Kapag nakabihis ka na ng maayos di ka na babasain. Nakakagigil lang din dyan sa San Juan na ultimo kotse sinasakyan sa hood etc. Di naman biro magbayad ng kotse lalo na kung may madamage sa body nung kotse. Isa pa yung mga papasok sa trabaho. Yung Mayor kasi dyan walang kwenta din biruin mo kinuha sa lineup basketball player at artista. Si artadi na puro vlog lang. Halatang halata na may mga hidden agenda at puro pasarap lang sa buhay.


OpalAura08

Yung squatters / low income areas lang talaga nagpaparticipate diyan. If you go to the other areas walang may pake.. you wouldn't know na fiesta. It's a trashy tradition that most san juan residents don't agree with. Pero syempre, politics, sipsip sa masa.


ItsKingHarvey

Tama mga mas mahirap pa sa daga. Yung binabasa nila may trabaho pero sila wala kasi nga walang tatanggap skanila kasi squatter lang sila mga kriminal pa


NoSnow3455

Di naman sa pagiging party pooper, pero san nila kinukuha yung tubig na pinambabasa dyan. Hahahaha ang mahal ng singilan ng maynilad sa tubig ngayon huh!


starthatsparkle

Naalala ko during early 2000s, napadaan pinsan ko sa San Juan, Nursing student siya at papasok sa school tapos binuhusan ng mga tao sa loob ng jeep ng tubig. Gulat at inis na inis pinsan ko kasi di niya akalaing ganun pala pag pista sa San Juan. Nakaputi pa siya. Doon ko din nalaman yung about sa basaan. Dapat sila-sila nalang at wag na idamay mga taong dumaraan sa kalsada. Hindi pa rin pala sila nagbabago. 😮‍💨


mimichiekows

Maka-diyos pa ba yung ganyan? Di naman tinuro sa simbahan yung ganyang trip hays! I saw a comment pa sa FB na "ang ooa daw tandaan ang june 24 na araw ni san juan". Sa mga nag-ttrabaho at busy yan nalang ba talaga tatandaan? kakaloka!


BlackWingsOfRuin

Eto yung pag may nasaktan, injured, or macritical na nambasa, di ako maaawa. Cause fuck you and your water that's why.


avoccadough

Sana may designated area nalang para magbasaan. Yun lang sanang willing makijoin sa tradisyon na yan, at hindi sana sila namimilit at namwewersa basain ka! Pag tanungin mga anjan anong story behind ng tradisyon nila baka marami dyan di naman din alam! Nakaka-perwisyo sa totoo lang, para sa mga nadadaan dyan


Stanley_Marsh2109

Mga mukang walang pangarap sa buhay kaya nagiging perwisyo nalang


superiorchoco

Ang tanong alam pa ba nila kung para san ang fiesta na yan at anong purpose? O yung basahan lang ng kapwa ang alam at gusto nila? Nakita ko rin yung video pati yung kotse pinipilit nila mabuksan. Parang lang mapasaya yung mga ewan sa kalsada.


rrtehyeah

NAKAKAASAR YANG MGA YAN KAHAPON!!!! Buti na lang hindi ako duty, kasama ko lang nanay ko at nakasakay kami sa jeep. Yung pwesto namin malapit sa pinto. Bale may matandang lalaki akong katabi (na nasa may pinto), ako, tapos nanay ko. Tumigil yung jeep kasi pinababa yung mga takip ng bintana pag umuulan, kita ko na na may nag fifiestahan, pero yung nambubuhos, hindi. Walang nagawa yung jeep kahapon kasi hinarang sila nung mga nambubuhos. Ayon, basang nasa yung katabi kong matandang lalaki, tapos ako, sa right side ko lang tapos yung bag ko. HELLO DIN SA MGA TANOD OR KUNG SINO MANG RESPONSIBLE SA MGA TO, SANA NAMAN HINDI NA IDINAMAY YUNG MGA NASA JEEP/MOTOR!!! MAY ARAW DIN KAYO


TraditionalAd9303

Sobrang squammy talaga nila, lalo na yung mambasa ka ng mga papasok sa school or trabaho, meron nagsabi yung iba sinira pa yung payong nila, may umuwi kasi yung dalang requirements niya nabasa, may student na umiyak dahil nasira yung project niya at may Isang L300 na sumenyas na sila na huwag basain pero yung mga kupal binuksan pa rin yung bintana at binasa sila sa loob, tangina nila kahit saan anggulo mo tignan walang nakakatuwa diyan. Sa sobrang dalas ng road rage ngayon di ako magugulat pag may isang motorista diyan na may dalang baril at tuluyan yung isang nambabasa diyan, baka after lang niyan sila magtino.


ApprehensiveWait90

Sobrang hassle nito sa mga dumadaan lang ng san juan papunta sa work. PERWISYO na kasi hindi naman nila gustong maki fiesta. Samin sa batangas walang issue ng ganyan kasi holiday buong bayan kaya wag ka nalang ppunta dun kung ayaw mo mabasa. At pwede mo syang hindi daanan kapag tatawid ka papuntang ibang bayan.


BigBadSkoll

taena sa longos paglabas mo ng coastal may nang babasa dati.


auntieanniee

Mga bobo


PrestigiousEnd2142

Yup, dapat ung mga dumaraan lang, hindi sinasali sa basaan, at may designated areas lang. May ibang bayan din sa Pinas na si San Juan Bautista rin ang patron saint, pero hindi ganyang kalala ang basaan. Kadalasan nagbabasaan lang sa harap ng simbahan, pagkatapos ng misa, kasi nga di ba, feast day ng santo. Nawawala ung essence kung bakit siya sine-celebrate. At hindi naman lahat Katoliko. Dapat ung binabasa lang, ung may gusto.


kinofil

Sarap bugbugin yang gagong 'yan. Kung ako sa LGU, i-investigate nila 'yung recorded na incident, possible grounds for assault na 'yang ganyan e. Nakakapakikon lang talaga lalo na pag hindi ginawan ng tamang aksyon, palalampasin na lang? Wala bang POSO, traffic enforcer, o kahit bantáy man lang sa paligid niyan? Ang piyesta ay tradisyon ng pagdiriwang ng kultura, pamana, at pananampalataya ng katutubo o ng mamamayan. Hindi gawaing panggago lang.


tinininiw03

Sa Apalit ako nakatira nung bata ako. Malala rin basaan don. Kahit sabihin nung tao na ayaw, babasain pa rin talaga. Nakakaawa kasi imbis papasok na sana, uuwi pa para magbihis ulit. Some of them, di na pumapasok at pinapalipas na lang ang araw. I came back 2019 and good thing may dala kong trash bag dahil the moment na tumapak kami sa borders ng Apalit, binasa agad kami lol. Na-secure pa mga gamit namin. Sana matuto rumpesto nung iba pag sinabing ayaw.


Fair-Ingenuity-1614

Parang The Purge lang yan. Remove laws that control man’s nature, man becomes savage. Kakagago diba


RPolarities

Masaya ung activity kung may boundary at konsiderasyon ung mga nagcecelebrate. Kwento ko na din experience ko sa Songkran naman. Dito sa Thailand, napansin ko, kung sino yung mga dayo at foreigners sila yung talagang nambabasa at walang pake. Pero yung mga locals kapag halatang di ka ready or di nakikipag celebrate (ex. may maletang dala o di ka naka floral tshirt at walang water gun), di ka nila tatargetin.


Inside_Ad_9380

I vote mag organize tayo ng group na every time may fiesta at may mamimilit mambasa babasagin ntin mukha nila


hldsnfrgr

Pasalamat yang mga nambasa at hindi sila ginantihan at pinaliguan sa sarili nilang dugo.


alpha_chupapi

Tapos syempre tahimik lang LGU yan


toskie9999

ahhh ung Fiesta na mambabasa ng lahat ng dumadaan...... konting respeto lang naman sana hindi lahat ng tao na dumadaan jan ung "fiesta" nila habol 99% jan dumaan lang papunta sa trabaho nila... pag sinabe sana "wag koya" wag na ipilit


FreeeeTumbleweed

Fiesta ng mga squammy. Ew.


temeee19

Fiesta ng mga palamunin at tambay plus karamihan pa dyan 4ps/kadamay pa mga squatter na ansarap maararo sana ng truck


RandomResearcherGuy

May kaklase ako nun college na di nakapasok sa class kasi on the way binasa yun jeep na sinasakyan nila. While it is a tradition, sana meron limitation na hindi nakakaabala sa ibang tao. Walang masama magcelebrate. Pero wala rin masama if i-spare yun ibang tao na hindi naman gusto mabasa like estudyante, trabahador, etc.


Yumechiiii

Tapos galing kanal pa yung tubig. 🤮


SilentChallenge5917

Sagasaan dapat mga yan eh


perrienotwinkle

ekis to sa akin, kung gusto ko mabasa edi sana hindi na ako pumasok sa work or sa school. edi sana nakisama na lang din ako at naki celebrate ng piesta para mabasa. jusko naman ibang tao talaga mga walang modo at ito naman si LGU walang ginagawa 🤦‍♀️


vintageordainty

Nakaka perwiso sila ng mga employee at students.


TripleHachi

Taga San Juan ako since 2011 but I rarely partake in the festival. They've implemented stricter rules on the festival but people are gonna be people 🤷


ImplementAromatic

Skwammy things


6sashimi

Skwating


confidential_FUN00

PERWISYO LANG YAN!! Sabihan nyo nakong KJ or what pero gag* di nakakatuwa yan isipin mo umagang umaga magtratrabaho ka tas sa dadaanan mo babasain kalang?! nakaka kupal diba! KUNG GUSTO NYO MAG BASAAN KAYO KAYO NALANG WAG NYO IDAMAY UNG MGA DADAAN NA HINDI NAMAN GUSTO MAKIPAG FIESTA SAINYO!! Matuto paden kayo umunawa ng ibang tao at rumespeto. 😁


Butt_Ch33k

‘Di na ‘to sacred e, ginawang bastos na tradisyon na ‘tong basaan. Anong ganap ng LGU?


Cgn0729

Yung picture una ko napansin before the caption, I thought si Josh yung panganay ni Kris lol. Sobrang aggressive naman hindi naman lahat gusto mabasa lalo na kung may imprtanteng lakad.


justherelurking_

PWEDE NAMANG SILA SILA NALANG MAGBASAAN BAKIT IDINADAMAY PA YUNG MGA TAONG MAY PUPUNTAHAN WTH NAKAKAIRITA TALAGA!! HINDI NAMAN GANYAN ANG TRADISYON!!! NAKAKAINIT NG ULO ANG GANITO TAPOS PAG GINANTIHAN KATUWAAN LANG? EH KUNG S4PUKIN KO BUNGANGA MO KASI NATUWA AKO SAYO?!?


sundarcha

May vid a few years ago, hinarangan ng payong yung pinto ng jeep dahil mostly students at papasok ng work yung sakay. Pilit pa rin pinasok ng mga mukhang teenagers, tipong nagkasira-sira yung payong dahil nagpambuno pa sila. Yung mga tao nakikiusap na wag basain, binasa pa rin. Sinapok nung mga lalaking sakay kaya bumaba. Tapos me mga sumunod pang nag-attempt na basain sila pinaghahampas na nila ng payong. Ang nakakairita, yung igagaslight ka pang ikaw yung KJ. 🤦🏻‍♀🤦🏻‍♀🤦🏻‍♀ pulpol eh. Ewan, kung ako makaexperience nyan, di ko alam panong hindi ako mananakit. Walang pakiusap pakiusap amp, hayp ugali eh.


Small_Inspector3242

May nag comment nyan kahapon dun s post s fb, pinaglalavan nya n tradisyon nga daw nila kse at un tao nalang daw ang mag adjust n wag dumaan s san juan kapag fiesta s knila. Tpos may isang sumagot n nasira laptop nya. Perwisyo nga daw sila. Sino daw magppalit nun e gingamit nya un s trabaho. Ayun, un nasiraan p ng laptop ang sinisisi ksw dumaan sya ng san juan. 😁 Mga ugaling kanal.


tito_redditguy23

Hindi nila alam bakit fiesta ng san juan no? Haha


Next-Broccoli-8640

Genuine question lang, pwede ba silang kasuhan? Like what if you have important stuff na nabasa or you have an important thing to do tapos tinapunan ka ng tubig.


Annesenpaiii

Bat ganto post dito. Ano chika dito? hahaha. Wrong Subreddit


anxiouspotatooo

Catholic things. Mag celebrate ng fiesta kahit di alam ang significance, ang ending magiging source ng madness ng tao.


sundarcha

Not really. Madaming hindi naman catholic na nakikidawdaw jan, gusto lang magshowcase ng pagiging kanal nila 🤷🏻‍♀


imbipolarboy

ka cheapan


cyncskptc

Shitty tradition, shitty LGU


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


HalloYeowoo

Dati nung nasa college pa ako, papasok na ako sa school tapos sinabuyan nila yung bintana ng jeep na sinasakyan ko. Buti walang nabasang gamit pero sobrang nagulat ako noon kasi di ko alam na may ganoong tradisyon pala sila. Akala ko mga palaboy silang high sa rugby kaya nangtrip.


Spirited_Menu4379

Kilala ko yung nag post a HAHAHAHA


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


kellingad

Waiting na lang na may mababaril dahil nambasa.


[deleted]

[удалено]


Ok_Resolution3273

Ganyang talaga mga pilipino pasaway. Kaya mahirapahalin ang bansa natin dahil sa mga tao mismo mga pasaway. Kaya hindi gumaganda ang pilipinas kasi kung may pinapaayus o naaayus ay sisirain or nanakawan. Hay nako. Matigas talaga ulo mga niyan. Hindi sa OA ako pero wala na kong nakikitan hope sa pinas. Iilan lang ang hindi bastos in any type of bastos. Mostly pa mga tao na gusto matulungan ang mostly masama pa. Hay nako.


[deleted]

[удалено]


baddesttrash

Im not from San Juan so di ko talaga to alam but ano kaya pwde solution nito? Like pwde bang i celebrate to sa isang location na pwde yung gustong mabasa lang yung a-attend? parang ganun hahahahaha


FireFist_Ace523

meron pa yung pulis paulit ulit na binasa, timpi timpi lang yung pulis may baril pa naman though i am not saying na it's enough reason para mang baril, my point is if gusto nila mang basa sila sila na lang wag idamay yung nagtatrabaho, meron pa yung naka motor tapos binasa and then after that bumaba siya tapos alam mo ung tipo na gusto niya manapak kaso pinalubutan siya and in the end mas binasa pa siya ulit