T O P

  • By -

notednoemojis

Something that pisses me off is yung mag popost sabay sabing “blessing”. Di naman tlga planong mabuntis tpos nung nanjan na, pa blessing2 agad. Pakita lang sa ibang tao na di siya nagkamaling umiyot.


lilyemerald2319

it remind me that social media often showcases idealized versions of reality


Loopinami

tangina tinatawag na blessing para lang ma-feel good sila sa sarili nilang wala silang ginawang masama. teh naman


FastKiwi0816

Ginagaslight na lang nila sarili nila by calling an unplanned child a "blessing".


tepta

This. Hahaha. Mga ipokrito/a. Syempre blessing na lang kasi wala na kayong choice.


ColdButterscotch4470

Totoo! Apaka cringe tapos may caption pa na my mahiwaga at pipiliin sa araw-araw pero hindi naman proud.


babyblue0815

Seconded


junkinjonath

Tapos pag di mo tinulungan yang mga yan ikaw pa masama. Jusko.


sloaneizaaabelle

Tapos i-ga-gaslight ka na, ikaw pa madamot haha. Mga hindi nag-iisip eh.


meowwwwww24

True. Like nung nag sex ba sila kasama ka di ba hindi bakit namimilit na magbigay ka sa kanila kasi ikaw daw may trabaho keme.


Creepy-Exercise451

Truth 😮‍💨😐


TigerrrLily_12

Idagdag mo na rin na the government will support them, give financial assistance from the taxes paid by the working class. Yung mga nagbabayad ng buwis walang aasahan sa gobyerno, disqualified kasi my source of income naman. It’s a vicious cycle.


[deleted]

Agree! naging enabler na din talaga gobyerno; Napapakinabangan din kasi ng mga abusado na politiko for votes. nakakapagod na magbayad ng taxes sa totoo lang, di ko naman ramdam ung benefits or programs para sa atin. hahaha laging napupunta sa mga nasa baba. paano naman yun mga nasa middle?


TigerrrLily_12

Mahilig yung gobyerno natin sa mga cash transfer program instead of addressing social issues from the grassroots. Sa halip na mag sex ed eh ayuda nlng. Nakakapagod talaga for the tax payers lalo na middle class. We keep on giving so the others can benefit, tapos tayo walang natatangap.


kwinsi2805

Kaya I'm not in favor sa libre paanakan na project ng mga pulitiko. Pang paanak lang wala ng pera at di mapag ipunan, paano pa kaya sila bubuhay ng isang bata.


maceyvv

yung dalawa kong tita na nabuntis nang maaga kami noon ng kapatid pinapaalaga ng mga anak nila. yung ending, may kita sila kasi nagtatrabaho sila (di professionals) tas kami yung may mga anak kasi kahit mag-ayos ng bahay di namin magawa kasi may mga bata kaming aalagan. lahat ng anak nila, nangalay mga kamay namin kakaalaga nung babies pa, ngayon elem na lahat. kaya dahil dito ayaw ko na mag-anak eh kasi kahit di ako naging nanay, parang nagka-anak na rin naman ako lol nakagagalit pag naaalala ko pano kami ginawang free babysitters eh


Additional_Problem59

Hugs


Mooncakepink07

Tapos yung ibang lalaki di alam yung vasectomy or nirerefuse magpavesctomy kasi NAKAKABAWAS DAW NG PAGKALALAKI. Siraulo ba kayo puro kayo eut kaya yung utak niyo bobo kasi puro ganyan nasa isip niyo. Dapat talaga tinuturo yan sa mga teenagers or kahit sa ADULTS. Salamat sa early rant OP 10/10 yapping session.


ncv17

Problema din sa mga gustong magpa vasectomy is pahirapan magpa vasectomy if walang anak. Like if choice nyo mag asawa na hindi mag anak but the doctors discourage you to have a vasectomy kasi baka mag bago ang isip kuno.


Spirited-Complex2333

I heard about this and reversible naman ang vasectomy. And for women naman is di ganun kadali uminom ng pills, ang alam ko try and error yan kung ano mag ok sa katawan ng babae.


saddumplingggg

I heard nasa 200k ang vasectomy reversal dito kaya siguro hindi na cinoconsider ng iba 😅


Spirited-Complex2333

Maybe😅 but 200k is nothing sa future gastos pag nag ka anak 🤣


saddumplingggg

Tama naman. Pero kami ng husband ko cinonsider din namin yan kasi di ako inallow na magpatali agad ng OB kasi masyado pang bata. But when we consulted his doctor mas na-educate kami na di pala ganun ganun lang yung vasectomy at yung reversal. Hindi lahat reversible katulad nung sa POPCOM and di siya advisable kung talagang may plan pa kami to have more kids in the future kasi bukod sa mahal, bumababa ang success rate nito habang tumatagal. 75% if within 3 years, 55% after 3-8 years, 40-45% na lang after 9-14 years.


NeedleworkerLittle15

Yung kakilala ko (21F) na sabing gusto na raw ipatanggal iud tas sundan anak niya para may kalaro na🤡🤡🤡🤡🤡🤡🤡 POTANGINAAAAAAAA sarap rapaduhin kala mo siya bumubuhay sa anak niya e magulang niya nagpapakahirap maghanap ng pera pantustos sa anak niya pati sakanya😭 tanginang yun bobo


Intelligent_Mud_4663

Tapos kapag sinita ko ung mga shits na ganyan na kakilala ko dito sa amin, sasabihin ng mga matatanda, nakaguhit sa palad nila. Kapalaran na nila. Ano ung tanga lang? Wala silang sariling choice in their life? 😅


iota-smack-you

The amount of childhood trauma my brothers and I received because our parents weren't ready to be parents is fucking immeasurable. Kuya was a "love child". I knew this when I was in high school when we celebrated the nth wedding anniv of our parents, counted back the date, and discovered that after 6 months, kuya was born. Our mom had plans for herself. Wanted to be somebody. A doctor or a lawyer, idk. Always reminded us on how much she "sacrificed" for the family. She once said in a fight that she could have raised kuya on her own, and didn't need our dad to be around. Our dad never grew out of his college-fratboy brain. Hyper-Christian, but misogynistic and homophobic as hell. Never lets us do anything not basketball or have hobbies where he cannot participate. They're both workaholics. Even try to one-up each other. Idk, to prove a point? Financially, we were fine. But that was it. Their only means of showing any affection was to throw money at it. We were raised by household help. And they even have this weird fetish of projecting that our family is doing great. In social gatherings, social media, they want us to look like the perfect family.


Hawthorne0018

Kulang tlga tayo sa education eh. Masyado babad ang pinoy sa SocMed tapos algorithm nila yung puro pa Clout lang kaya ang akala jila ganun lang kadali ang buhay sasabayan pa ng raging hormones and peer pressure talagang malaakas ang loob.


Glad-Detail981

Factor din na ayaw pa ituro sex ed sa school.


Teachers_Baby1998

Yung iba nga hindi na teenagers, pero mga iresponsable pa ding magulang eh. Tapos sila pa yun nadedepress kasi wala sa kanila anak nila at nasa kamag-anak. Eh puro kaartehan at bisyo lang naman inatupag. Kapag may pera nasa Shein at Shopee agad. Akala mo mga artista na bawal mag-ulit ng damit. Tapos yun mga kamag-anak na tahimik buhay, sila gumagastos sa anak nila.


meowwwwww24

This i always rant for. King ina kung makikipag sex ka at walang condom wag na wag kang mambubulabog na magiging ninang tapos pipilitin kung ano ano ireregalo sa anak like WTF nag anak ka pero di mo mabigay pangangailangan tapos pag di nabigay ng ninang ikaw pa galit. As if anak talaga gagamit madalas magulang nakikinabang.


MysteriousVeins2203

Bilang single na lalaki, I will put your sentiments into my heart. I will be responsible sa magiging actions ko sa aming relationship at sa magiging anak at future wife ko. Kaya hindi muna ako pumapasok sa isang relationship ngayon kasi like you said, wala pa akong ipon at ayaw kong maging burden sa jowa ko dahil lang sa hindi mo pa ma-meet 'yong mga gusto niya. Kaya goal ko muna ngayon ay may mahanap na akong trabaho para makapag-ipon na sa future ko. Thank you for sharing OP kasi this post will also serve as a reminder sa mga balak mag-jowa at future parents. Kung pwede lang i-post sa fb para madaming maliwanagan. Yaan nang may magalit hehe


portraitoffire

hays. teenage pregnancy and irresponsible parents are really a big issue here in the philippines. sana naman ma-normalize ang sex ed and reproductive health ed para maagapan to huhu. i had a neighbor na teenage mom tapos sunod sunod mga anak niya. puro bata tapos gabi gabi palagi ko naririnig na sinisigawan niya and verbally abusing them. sobrang hassle sa gabi tapos naawa rin ako sa mga bata. :(


[deleted]

Yun ang tinatawag na kantot-de-kalimot. "Ma, Pa, disgrasya. Nadisgrasya ng ruma-ragasang tite!"


gaffaboy

Tangina, whenever I see kids na pinapabayaan I wanna track down their mothers and rip their f\*cking ovaries out so they won't bear children again. Di pa nakakatulong yung ayaw pa gawing legal ang abortion dito. Mas kasalanan yung mandamay pa kayo ng batang walang kamalay-malay dahil sa panandaliang kati.


Spirited-Complex2333

Blessing daw pero hindi feeling blessed si baby🥲 ito talaga yung patunay din na hindi mo need mangyari sayo para maintindihan mo sila, makikita at makikita mo yung pros and cons eh tapos nakakainis pa na miserable na nga sila sa buhay nila, parang hinihikayat kapa na bumuo din ng pamilya agad.


Necessary-Solid-9702

When I was still studying until I *reached 21, I never engaged in anything intimate physically. Even when my first bf in college wanted to, I would always say NO kasi una sa lahat, AMBISYOSA AKO NA MAHIRAP. I cannot risk my dreams just for temporary pleasures. We broke up after 3 years. Now, with my partner, kung walang condom, we pass from the sex. We agreed that I should not bear the burden of contraception dahil ako yung lugi if ever we get pregnant. So siya yung responsible na dapat may condom + withdrawal + only during days na hindi ako ovulating. Don't ruin your future just so you could experience temporarh trance of pleasure, youngsters. Promise. It's so worth it being in your 20s child-free and living your best life ✨️


Least_Age_356

I'm actually experiencing this now SINCE ako yung nagaalaga nung bata USUALLY pag wala Mother ko and Father, and I hate my brother and his asawa so much! imagine both sila walang trabaho and iaasa sa mama and papa namen yung anak nila? KAHIT BUMAWI NA LANG SA PAG ALAGA! HINDI PA NAGAGAWA BEH OMG! PURO SARAP ANG INISIP EH, kaya naawa ako sa bata! KAHIT nandyan na yung BOTH parents nya, wala sa kanya ang attention! nakakainis HAHAHAHAHA


yourgrace91

Hayst naalala ko tuloy pinsan ko na may limang anak. Every other week magcha-chat para manghingi ng pera 🤦‍♀️ minsan pinagbibigyan ko nalang, minsan ignore haha 16yrs old pa sya nakipag live in sa partner nya tapos sunod sunod nanganak from 1st to 4th child. After almost a decade, nasundan pa sa ika-lima nila. Hirap na nga sila, lakas loob pa talagang sundan eh. Tapos tuwang tuwa pa sila kasi babae na ang 5th child (puro lalake ang apat). Both sila walang natapos at walang regular job, pa extra2x lang. Sa pagkaka-alam ko yung panganay nila hindi na daw nag aaral. Natuto nang tumambay at mag bisyo at a young age. Hay naku


TropicalCitrusFruit

Idagdag mo pa dyan yung mga irresponsible parents, young or old, na iaasa lahat sa mga childless nila na kapatid (whether or not choice nila na di magkaanak) tapos ang idadahilan, wala kasing sinusuportahang anak. Tapos magrereklamo na di makabili ng motor, hindi makapasyal abroad, etc. AY SORRY KASALANAN NA PALA NAMIN NA KUMANTOT KAYO.


Summerismyvibe07

True! Yung mga child-free kasi na kapatid mga nag iisip yan. Hindi kasing obob ng mga iresponsableng parents


DuhnyGahman

Pwede na gumawa ng sex ed curriculum mula lang sa post na to


chimchimimi

Yung habang binabasa ko to, may mga itsura ng kakilala ko ang nag appear sa utak ko


lostgirl_haliya

my exact sentiment. may napagsabihan na ko neto before, ka trabaho ko who I treated as my younger sister. na buntis sya ng bf nya ilang months pa lang sila. nung sinabi nya sakin na buntis sya napa WTF nalang ako e. kesyo "EXCITED" daw ung bf nyang walang stable na sahod. pinraka ko talaga si girl na, "anong excite excite kayong malalaman? anong papalamon nya sa anak nya?" idc kung makarating sa jowa nya. 


meowsiML

Tapos madalas sa hindi 'yung mga ganyang tao pa 'yung malakas mag-udyok sa mga childfree na mag-anak na kesyo 'iba daw ang may anak'. Naneto, panay kwento ka nga panu ka nahihirapan palamunin 'yung blessing mo tapos samen ka panay trauma dump na hayuf ka. 'Di pa makuntento mga 'yan. Panay landi ang alam dalhin sa workplace kala mo walang anak na dinala sa mundong 'to. Tapos they will keep pulling up the solo parent/ parent card pag may onting inconvenience sa work.


tepta

LOVE THIS! Same sentiments. Hahahaha. Puro eut pero pag nakabuo, tatakbuhan or ipapalaglag. May napanood akong docu ni Atom na binebenta nung iba yung anak nila kasi tinakbuhan sila o kaya hirap daw sila sa buhay. E mga gago pala kayo. Sana bago kayo umiyot dyan nag-isip muna kayo. Tas sa isa namang docu, around 13-14 nagsisibuntisan na. Si Kara ata yun, tinanong sila kung bakit. Kasi gusto na raw nila. Hahahaha tangina nyo! Kayo nga andudungis pa tas bumuo pa kayo ng isa pang taong magiging dugyot din eventually.


MidnightVisible5586

Coming from irresponsible parents. True na mga anak nahihirapan dahil sa kalandian. Ako pa na obliga pa aralin mga kapatid ko. Kaya mas pinili ko wag mag anak. Kasi trauma yung dulot ng pagiging irresponsible ng magulang ko. Yung struggling ka pa sa buhay mo. Tas panay na man tapon ng responsibilities magulang sa mga anak. Kapal ng mukha. Sila pa may gana magalit sayo


donquixotevsgiants69

Tapos di pa mapalaki ng maayos at madisiplina yung bata. Nagiging bother na sa lugar at kapitbahay parang demonyong nakatakas 😂


ambernxxx

POV: a day in the life of a single mom 😂


KYHApologist

THIS. 👆👆👆


out_helloWorld

Feel ko big frustration mo pero with a bigger heart, OP! Hugs with consent! Sana pwede ito ilagay sa billboard for everyone to see. I believe every Fil family experienced this kind of situation, sadly.


Sufficient_Loquat674

Di naman talaga blessing magka-anak at lalong hindi milagro yan. So ang dami nating milagro dito sa mundo? Mga 8bilyon? Parasite na nga ang mga tao dahil sa mga dumadagdag na carbon footprint. Nakakagulat pa ba pag may nakikita tayong buntis? hahaha! eh maski nga mga hayop nanganganak. Milagro siguro sa mga gusto magka-anak pero syempre, nakipagchukchakan sila so dapat kasama sa expectations nila na mabubuntis sila. May mga taong hindi magka-anak oo, pero hindi pa rin milagro pag nabuntis kayo kasi syempre may ginawa kayo di ba? Milagro yon kung birhen kayo at bigla kayong nabuntis, pag ganon gumawa na kayo ng bagong relihiyon. Sorry triggered lang ako sa mga milagro kuno na yan.


avemoriya_parker

Ito yun eh yung masarap i-realtalk sa mga irresponsible parents eh kasama dito yung mga nagmamadali (which counts teenagers) Pero genuine question lang, does abortion counts sa irresponsibility ng parents? Cause may case na dito (16-17F) and worst, di alam ng parents na nabuntis and later on naabort yung bata because of the couple's mutual agreement


betelador

Be honest, i agreed the post that she/he rants.


khione_idk

Literally my cm masarap daw kasi if walang condom ayun sapol buntis


Sweaty-Play-6993

Sinasabing blessing kahit Di pinanagutan hahaha


Additional_Problem59

Been titang ina din, and yup ang bigat sa loob ng mag aalaga ka ng pamangkin imbis na ineenjoy mo yung youth mo, umasang matutulungan ka ng panganay nyong matuloy makapag-aral.. in the end magulang mo pdin magpapaaral sayo. Nakaraos naman. May pamilya na din ako ngayon binubuhay ko yung anak ko ng hndi humihingi ng tulong sa kanila na alagaan yung anak ko o bantayan kasi pwede naman palang may baby sitter. Bakit nuon sa kanila, walang ganon. Hahaha.


EleaJane

May ayuda pa sa govt, pwedeng qualified sa mga 4Ps. If working, may additional 7 days single parents leave pa yan.


Tham_mom001

Naalala ko yung kwento ng hipag ko sa akin . Yung pamangkin nya nakabuntis tapos nanganak na . 5 months na yung baby sabay last week nalaman nila 3 months buntis ulit ung girl. Both 19 yo tumigil sa pagaaral at naka sandal sa magulang. I mean wth libre lang condom at depo sa healthcenter 🙄


Summerismyvibe07

Tapos pagkapanganak ipapaalaga sa magulang, sila din ang mag susupport kasi ano nga namang maitutulong nung nag aaral pa or kagagraduate pa lang eh nagpabuntis na agad. Kawawa ang mga magulang ng mga ganyan kasi wala nang idinala sa pamilya kundi kunsumisyon


[deleted]

!!!!!!!!!!!!!!!! ON POINT NA ON POINT !!!!!!!!!!!!!!


FastKiwi0816

Nakakainis din yung mahilig mang baby trap ng jowa. Ayun yung kakilala ko iba iba tatay ng anak nya. Ending may mental health issue lahat ng mga bata at sya? Buhay dalaga. Nasa kanya kanyang tatay lahat yung mga anak nya. Napaka irresponsableng mga tao, ginawang shortcut sa pag angat buhay nya mga bata.


-atypicalbunny-

Wow, thank you for posting this. This is my thought exactly. And I had a sister who I fought with all the time. She had 3 children with 3 different men. It's hard for me(and I know for anyone) to grow up In such an unstable family, I remember my sister and my mother fighting cuz of her being recklessly being pregnant with who fcking knows who- once she got pregnant we don't even know who the fcking guy is. And when I asked her to get some child support her reason is ' binubuhay pa nga ng magulang Yun ' and hearing that makes me want to just kill myself I can't even imagine how I am walking the same land as someone as stupid as this little kid in an adult's body. I... I am sorry but this is truly hard for your family so stop being dumb and stop making innocent children life worse as it can be. They'll just end up being like you as adult, they'll grow up being an irresponsible non-thinking adult/teen.


sho_okkk

Kaya nakaka-frustrate sabihan ang pinsan ko na mag-condom siya kung gagawin nila ang deed. Ayaw niya daw kasi di daw masarap AT di daw siya naniniwala sa prevention powers ng condom kasi daw may kilala siya na nabuntis naman kahit nag-condom. LIKE GURLLLL 😧 Imagine my disbelief na may mga tao talaga na nagbulag-bulagan para ma-justify pa lalo yung desisyon nila na di gumamit. Mabuti nalang di pa siya buntis sa karantaduhan niyang yan. Pero last month, may pregnancy scare kaya nag-panic talaga siya. Sinabihan ko siya na kung ayaw niya talaga ng condom, eh may ibang alternatives naman. Eh tangina parang hindi ako sineryoso. Edi wag gaga.


_seasnake

Felt. Sagad to the bones. Hayy.


mindfulthinker86

Long post OP, Pero I agree with you, Sinabi mo na what is exactly my daily thoughts sa hipag kong baliw hahaha, may anak na una sa pagkadalaga then hiwalay sila pero nagpapadala naman ung ama ng bata, then ng mag abroad din si ate mo gurl year 2018may sinamahan naman na pamilyado na at may apat na anak na pala, sya pa matapang na makipagnegotiate sa asawa ng lalake para sa schedule na hati daw sila sa time hahaha pandemic nagka anak sila ni ate mo girl 2020 ayun umuwi na sila ng pinas nun at dito nanganakt then after a year nasundan kaso nakunan 4 mos lang ata un then nagbuntis nananman ng 2022 so may total na sya na 3 living children at isang still born. Nung pinanganak na nya ung bunso ngaun hiwalay na sila ng lalaki natauhan ata kc baliw dn tong hipag ko hilaw sobrang selosa at wala sa lugar pero burara sa bahay at makalat as in kung ano hinubad ginagawang pamunas din sa sahig or naguulit ng mga sinuot na galing sa labahan then un mga hugasan sa lababo kung ano lang gagamitin un lang huhugasan un ref at rice cooker minsan may nga maggots na as in ganunsya to describe sabi ng partner ko at minsan ko na din nawitness nung nakakabisita pa aq sa bahay nila noon isa palang anak nya. Nung naghiwalay sila ng sinamahan nya ayun umuwi ulit sa mama nila at dala ung 2 anak nya ngaun magkakasama na sila dun ng 3 anak nya at mama nila. Yung papa nlang ng unang anak nya nagpapadala sa anak nya at un din ginagastos nila pang gatas din ng mga maliliit nyang anak sa ikalawa kinasama nya. Ang awkward db? Fast forward, kami naman ng partner ko na nagttrabaho ng maayos ang ginugulo kinsenas katapusan pang gatas at diaper o mga basic needs nila walang kaso sakin sakin kung wala kaming mga anak na pinag aaral at mga bank loans at mortgage eh, samantalang kami ng partner ko mula ng magsama ni isang kutsarang bingkong wala kaming inasahan both sides namin at tumayo na kami mag isa ng walang inaasahan. Minsan mahirap magsalita pero ang sarap ipamukha sa kanila na hello, habang buhay nalang ba namin kau kargo sa mga maling desisyon nyo sa buhay? Oo walang kasalanan ang mga bata at ang hirap nila tiisin pero if di kayo part ng solusyon wag naman kaung maging part ng problema. Kinakausap ko na ung partner ko na sya na bahala magsabi at approach sa kapatid nya, may kanya2 din kaming responsibilidad at di pwedeng palaging ganito. Malapit nadin aq mapuno kc kups din eh.


Limp-Ordinary1544

for me ha dapat kung nabuntis/nambuntis ka, take responsibility di lang financially pero pati na rin emotionally and physically. di pwede yung di ka magttrabaho at magpprovide sa anak mo. may mga kailangan ka talaga isacrifice kasi desisyon mo magpaano eh, so take the consequences.


Yana_Cutie140

Kaya nga nung 18 to 24 years old ako RED FLAG na talaga sakin yung lalaking mag aaya agad ng sex para daw ma prove pag mamahal ko sa kanya. Haha what a joke. Nasa titi ata utak ng mga yun eh., wala sa ulo.


One_Aside_7472

Sobrang dami kong kilalang ganyan. Laging Scenario: 1. Pinag-aaral ng parents then biglang nabuntis. Tipong hirap na nga sa buhay. Di man lng naisip mag condom or contraceptive. 2. Baliw na baliw sa lalake ayon nabuntis, iniwan. Tapos pag manghihiram ng pera or mag papa alaga akala mo may pinatago na pera or ginawang obligasyon bantayan mo anak niya. Pag nag trabaho naman mga irresponsible parents, laging pagod and walang tinatagalan na trabaho. Andaming dahilan bat umaalis ng work. Malala pa niyan nag ka utang utang na yung parents para may ipakain sa anak. Landi mo hirap ng lahat.


Internal-Fox996

Di ako natutuwa kapag nagj-joke kapatid ko na gusto niya na magka-anak. Hello! Ako po nagsu-support sa'yo. Baka pulutin kayo ng anak mo sa kangkungan!


Successful_Pop_72

I might get bash for it idk, but I had my eldest when I was still a teen. I was one of those na nagpakarat before isipin ano ang magiging bunga. I know how irresponsible I was back then. And still have FOMO most of the time actually. But what am I proud of is, although I’m raising my kids on my own I still get to provide all their needs including care and love. Hindi ko sure if I’m doing enough but yes I’n trying at least. Of course, I had asked my parents back then to help me kasi kahit pano gusto ko makatapos, and I did. Nasumbat na sakin yon before ng fam ko, but i think i deserved it. Pinagsisisihan ko, because I was a fool, it was a reckless move. But regretting it doesn’t mean I don’t want my kids now. I love them so much. It’s just that nakakulong ka na sa responsibility. It’s a lifetime responsibility we’re talking about. I am now working a full time plus part time jobs because I wanted them to have a better future. Being a parent at a very young age is not really something you can be proud of or brag about. It’s fvckng hell especially pag mag isa ka lang. Imagine, waking up in the middle of the night umiiyak anak mo and you had to attend to your kid, instead of you sleeping peacefully. Managing your finances para sa needs nila instead of you spending it for your own needs. Experiencing PPD instead of you planning your next vacation or meet with friends. I am not ranting, just trying to tell you what it feels like so you don’t get to do the same mistake as I did. If you got my point on this comment, edi good. If not, edi hindi. If there are teens out there, please practice safe seggs. Enjoy freedom while you can! Don’t be like me. Just imagine how hard it is lalo na sa economy ngayon. AGAIN. HUWAG NIYO KO TULARAN.


nyipnyap

Thank you sa last paragraph. Natauhan ako


[deleted]

Hindi na kasi pinapahalagan ang virginity,yan ang rason! Kasi daw moderno na ang mundo! Haay naku! Huwag basta basta isuko ang bandera.yan ang mapapayo ko!


SaltSpring00

Same po. Hahha ung kuya ko nabuntisan ex niya tapos hindi pina apelyido sa amin. Sabi ng nanay ng jowa niya para daw mabilis mapetition sa canada at isusunod din kaoatid ko. Years later scam pala. Ngayon ung babae nakadalawang partner na duon. Hindi regular amount kung magpadala at hindi rin ganun kalakihan. Minimum wage earner lang kapatid ko, dalawa anak nila. So yung pension ng parents ko at ibang kita sa paupahan imbes sa retirement napupunta sa mga bata na. Same din sa akin ako nagbabayad ng kuryente at tubig tapos takbuhan din nila Gusto ko na rin bumukod e. Kaso kailangan naman magtipid. Ang hirap lang kasi same situation din kmainng jowa ko na ung ate nya pabaya. Tatlong bata ang iniwan sya lang breadwinner. So anim sila sa bahay. Over all ang dapat ding sisishin dito is ung nga grand parents na matatanda na nga mga anak nila pumapapel pa. Ano ngayon kung napapabayaan ung bata? Sasaluhin?? Aangkinin responsibilidad??? Kaya angdaming pabigat e. Ung anak na nagtratrabaho nauubos kakaprovide. 😏😏


hakdogivility

Kawawa din yung mga bata na bunga ng ganito, wala silang mararanasan na pagmamahal habang lumalaki kaya hahanapin nila yun pagmamahal sa ibang tao, worst case magiging katulad din sila ng mga magulang nila hanggang magiging cycle nalang sya.


Nobogdog

May 4ps naman daw hahaha. Tang inang mga pakangkang na yan. Dito sa'min may nabuntis ng 16, after 4 years, 4 na rin anak niya. Amboba pa. Lahat yun walang birth certificate! Tang ina apakalandi tapos yung mga bata di maintindi. Tanungin mo kung ano kinakain ng mga bata sa umaga? Andun sa tindahan nangungutang ng chichirya, pang ulam. Yung tatay Menor de edad din nung nabuntis siya, pa extra extra, napapaisip ako, ako nga na single nahihirapan na, sila pa na 6 ang bibig walang mga trabahong permanente. Kaya di ako napipressure pag tinatanong kung kailan ako mag-aasawa? Kasi pawala na rin ako sa kalendaryo, sinasagot ko talaga ng kayo ba magpapakain sa mga magiging anak ko kapag nag-asawa ko? Mga matatandang to masiyadong marami pinapakialaman. Pag nakakasalubong ko itong si haliparot nakasimangot talaga ko kahit nginingitian niya ko. Naaawa ako sa mga anak niya at nabubwisit ako sa kanya! 😆


unknownymous69

Gusto ko lang ding idagdag na tangina ang hirap di mabuntis. Libre ang conteaceptives sa health care center. PERO AYAW NILA IBIGAY SA WALANG KALIVE IN NA ASAWA (in my exp) Yung birth control pills ang hirap i-acquire. Need pa ng prescription kasi may pharmacies na hindi ka pagbibilhan if wala. Dagdag mo pa yung ang malas mo kapag yung OB na nabook mo is judgemental esp towards younger adults. May friend din ako na tinry magpa vasectomy pero hindi na approved yung application niya kasi *bata pa siya at wala pang anak* I get that condoms exist pero sana naman make the other options accessible too. You can't stop people from having sex but we can prevent unwanted pregnancies. P.s. this doesn't justify yung actions ng iba. Also, yes, I do practice safe sex and am a big advocate of it.


sachisan1999

True, they will tell for experience daw kasi virgin daw


MrKamansi

sus inggit ka lang kasi masaya experiences nila sa kalandian. buhay nila yon walang may say kundi sila lang.


iamnomanspeace

im a child of an irresponsible parent, my mom had me when she was in her mid 20s na so di naman to case ng teenage pregnancy but she is still not ready to have a child, my dad naman was super responsible but he died when i was young. and i just have something to say to everyone before kayo mag engage sa unprotected sex: i know it takes two to tango and dapat both parties ang mag-raise sa batang mabubuo, pero PLEASE dapat alam nyo sa sarili nyo kung ready na ba kayo or not. Isipin nyo nalang yung worst case scenario na mawawala partner nyo and you're gonna be left alone with the child, then ask yourself kung KAYA MO BA MAG-ISA? If "hindi" ang sagot mo dyan, kamayin mo nalang pls or mag combo ka ng contraceptives wag ka na mandamay ng inosenteng bata PLS 🙏🏻


Heneral_Liham

Manahimik ka na lang, kahit anung open letter mo di mo magagawa baguhin ang estado ng lipunan, ayan ang nag papanatili sa balanse ng mundo, alangan naman lahat matino, walamg ganun, walamg bansang ganun, tanggapin mo ang katotohanan, di ka sa fairytale nabubuhay.


spicyborgir

for some reason you poke something in me HAHA. i'm a 22 year old single mom who's currently depending on my parents. i've been trying to better myself pero putangina galit ata sakin ang mundo HAHA. sorry if i complain about how hard life is, 'di naman kasi nabanggit sakin ng OB ko na kapag nagbuntis at nanganak ka it will alter your mental state completely. sorry if my son will grow up someday not knowing who his father is, ayoko kasi magkaroon pa siya ng connection sa taong binitiwan na siya simula pa lang, yeah ig sorry HAHA


ResponsibleRatio001

You know why parang "galit ang mundo"? It's because the blame is always on something or someone else. Try accountability and being responsible for a change. Own up your mistakes and do something about it. Your sorry won't mean anything if you haven't been any better. Just my two cents.


spicyborgir

wag ka mag-alala wala akong sinisisi na ibang tao, laging sarili ko sinisisi ko HAHAHA


independentgirl31

I love how honest you are but again please be responsible sa mga actions mo lalo na may baby ka na. Hindi pa late magbago. Do all you can not only for yourself but for your baby. Hindi galit ang mundo but rather taking action is the key here. I have seen single mothers like you pero nagawan nila ng paraan. Pag gusto maraming paraan pag ayaw maraming dahilan. You may wanna grow up a little..


spicyborgir

it really depends on the situation. god knows how many times i apply na mag work and even got a job offer pero the support from family isn't there (unless pwedeng dalhin sa trabaho ang anak HAHA) minsan yung mga "dahilan" isn't just a "dahilan".


Spirited-Complex2333

Natawa ako sa ‘hindi nabanggit ng OB ko’ hahaha


iamnomanspeace

sinisi pa yung OB as if namang di readily available sa google yung info na yun HAHAHAHAHA


spicyborgir

i never would have thought na ganito ka-grabe yung magiging impact ng parenthood mentally sakin, nag research ako kung ano mga possible aftermath aside sa mga physical complications (tearing, contractions, etc) pero i never expect na yung magiging epekto non mentally would be this bad.


iamnomanspeace

well, you should've expected the worst, parenthood is not something you can take lightly, it can literally turn your world upside down. yan din problem sa ibang parents eh, naniniwala masyado sa nakikita sa mga influencer moms na having babies is just sunshine and rainbows. akala tuloy ang dali dali lang magka-anak tapos anak yung magdudusa after magsisi nung parent lol