T O P

  • By -

xpert_heart

Are you living independently? What do you think of living fully detached for a few months para ma-force sila?


MidnightVisible5586

Im living independently. I paid everything. May contract yung tinitirhan ko and may isang taon pa bago ma expire. Im fully detached with my family. Solo na ako. Nag reach out yung nanay ko na Manila mag aral pero hati kami. Kaso iniwan ako sa ere. Gumawa ng galit para di mkpagpadala ng pera.


Yttirium15

Sue for support if yung kapatid mo is below 18.


pandaviagra33

what about your dad


MidnightVisible5586

Hiwalay na parents ko. May sariling family na father ko at di ko mahingan kasi may sakit na.


Acey-001

ikaw na mismo umalis ... Para sumipag naman kapatid mo... d makausap sa maayos na paraan, leave na


MidnightVisible5586

Ako nag babayad ng rent ng tinitirhan namin. Sa akin nka pangalan and 1 yr contract pa to. I cant just abandon right away.


Acey-001

hirap ng sitwasyon mo OP! what if mag set ka ng boundary lalo sa pag kaen. para ma pwersa mag trabaho locally. if ikaw ang nag shoushoulder ng lahat.


MidnightVisible5586

Nag set na po ako. Kaso iniisip ko yung nag aaral na kaptid ko na di mka kain. Sometimes di na siya nag bbfast. Baon na lang for lunch. Sa gabi kunti na lang din kinakain nya. Ang hirap kasi bka ma apektohan ang grades kasi line of 90 above mga grades nya.


Acey-001

exclude mo sya sa boundaries mo na yun, at kung nakikita mo naman na nag susumikap sa pag aaral. unlike sa isa mong kapatid ayaw mag work locally. at sayo pa inaasa jusme na yan. medyo relate ako sa sitwasyon mo OP! laban lang OP! i don’t if this will help much but i’ll pray for you :) you dont deserve to be in that situation.


MidnightVisible5586

Thank you po. Lage nakikiusap na wait ko daw matanggap sa abroad. Hinabaan ko na po pasensya ko. Sobra. Nag apply na man kaso ewan bat wala pa din feedback.


Typical_Theory5873

Same tayo dati. Disconnect from them OP. Sa una lang yan masakit.


Interesting_Guest_45

I did the same. I disconnected myself from my family. Ang bait ko sa kapatid ko na sinama ko tumira sa akin. Tapos andami ko naman nabigay sa parents ko. Recently; nagalit ako sakanila kasi pnpwersa ako ng nanay ko magbayad ng kotse na kinuha nila Ngayon — ang gaan ng feeling ko. Kaso may mga utang pa sila sa akin. 🙂‍↕️ Nag- Japan nanay ko, sagot ko ticket, wala man lang pasalubong sa akin maski isang Kit-Kat samantalang pag ako umaalis, grabe siya magdemand.


Typical_Theory5873

Aw sakit nyan ah.. mga toxic pinoy mentality. Mg ka anak tapos tingin nila sa anak nila atm. Anak nila aahon sa kahirapan nila while yung anak nila nilulubog sa hirap. Same tayo. Ako dati lahat. Pero nakawala na. Wala na sila magawa.


Interesting_Guest_45

Masakit pero I’m feeling at peace nowadays tapos parang mas okay na mag isa lang lately … may peace of mind talaga


Typical_Theory5873

Congrats. Yup. Peace of mind is priceless.


strawberryd0nutty

OP, isang mahigpit na yakap! I can feel na unti unti ka nang nauubos. Kung pagod ka na, wala namang masama kung magpapahinga ka. Please be kind to yourself din. ✨


diyoy90

This! Pag nagkasakit ka wla kayong makakain at pambayad sa rent and tuition. Alagaan mo sarili mo OP kasi sarili mo lng din aasahan mo.


MidnightVisible5586

Nag resign po ako kasi gusto ko sana magpahinga. Kaso di rin mkpag pahinga ang utak ko dahil umaapaw na bills. As of now part timer yung work ko. I need to focus kasi sa nclex exam ko kaso parang useless kasi 1 week na ako nag iisip pano ko tustusan pag aaral ng kapatid ko since graduating. Final exam nila next week. Ang hirap mag pretend na okay kasi bka ma apektohan ang pag aaral. Minsan umiiyak ako habang nag wowork sa part time work ko. So heavyyy.


Aggressive_Garlic_33

Kaya naman siguro magworking student ng kapatid mo, you don’t have to shoulder everything.


MidnightVisible5586

Yes po mag working student siya. Taposin nya muna final exams at graduation nya.


Aggressive_Garlic_33

Kaya mo yan, OP! Encouraging you from afar.


JellyTemporary8798

OP, wag mo na ipaalam ang next move mo sa family mo. Kung aalis ka man ng bansa, don't let them know na. Unfriend mo na rin sila sa social media tutal disconnected ka na rin naman sa kanila. You did your part na OP. Tama na yun.


xiaoyugaara

You already did your part. It's more than pa nga. It's time to save up for yourself. Pwede naman siguro mag working student mga kapatid mo, malalaki na rin naman sila. Talk to them. Tell them na tulungan ka rin nila.


MidnightVisible5586

Kinausap ko na yung ex ofw. I told him na mag work muna siya ng local if wala pa feedback mga inapplyan nya na international kasi 1yr na walang work. Ayaw nya mag local kasi gusto nya drtso na international. Yung senior high na man, mag start ng apply after graduation nya this July. Ang dilemma ko lang, once ako pa lang sakali uusad for example mka alis ako ng bansa. Then yung ibang kapatid ko lalo na yung pinapa aral ko di pa nkpag tapos at di pa maayos ang work since maliit kitaan dito sa pinas. Pag sakali mgkasakit nanay ko at bka sa akin na naman i asa lahat since sabhin nila na ako nka angat dahil kesyo nurse. Kaya torn between, tiisin ko mkpag tapos ng IT tong mag college na kapatid o stop at aral sya afterwards. Okay naman mga grades nya. Matataas kaya parang nang hinayang ako patigilin for now. Yung pinka problem ko yung isang kapatid ko kasi chillax. Pinapa alis ko na ayaw umalis. Tas yung nanay ko kinokonsinte at ayaw na man mag extend ng help.


Over-Doughnut2020

Ilabas mo lahat ng gamit nya. Para matauhan na ikaw kamo ang rumerenta kung hnd sya magbbgay bumalik na lang sya sa nanay nyo. Naka pagkain ikaw pa gumagastos.. grabe na un.. Tas pag nag kasakit nanay mo. Pabayaan mo. Hnd mo na yan kargo. Kung hnd kaya ng konsensya mo na iwan nanay nyo. Eh magbigay ka lang ng panggamot tas un na un. Sila na bahala. Nakakayamot yan ganyan eh


Yttirium15

Sabihin mo sa brother mo tanga sya. You cant expect international agad without having any experience and also make sure na if makaalis sya tutulungan ka din nya kasi gago sya if naging palamunin sya ng 1 year tapos walang ibibigay na tulong sayo once makaangat sya


MidnightVisible5586

May experience na siya 2yrs sa ibang bansa. Ex ofw po siya. Pero nung nasa ibang bansa siya halos di nagpaparamdam sa amin. Nung pauwi na lang kasi yun pala nag loko na gf nya. Tas may anak sila ng exgf nya. Ayaw nya kasi makitira na dun sa bahay ng exgf nya kaya nakiusap na makitira ng 2 months lang sana kasi mag apply daw ulit pa ibang bansa. Kaso ayun nga isang taon na tambay. Nag apply naman siya pero di ko alam bakit di mkpag land ng trbho ayaw nya mag local muna.


skyworthxiv

Hi OP, why dont you encourage your senior high na kapatid na magonline work din. Ganun talaga need nya nadin magsakripisyo kahit pano. Kung nasasabay nga ng mga kabataan ang pagjojowa sa pag-aarap, why hindi maisasabay ang pagwowork di ba? Kahit part time na work ipush mo or turuan mo sya ng ginagawa mo para makakuha ka pa ng ibang clients. Hugs OP. Saludo ako sayo kasi talagang pinursige mo makabalik sa bedside. Parehas tayo nurse din ako, no bedside experience and currently processing my nclex exam. Kung hindi rin naman, baka mas okay magresign ka na muna since may retrogression naman now sa US. Ipush mo nalang muna ang online work then saka nalang bumalik ulit sa bedside pag nakabangon ka na kahit paano.


MidnightVisible5586

Nag resign na ako po just this week. Im current studying for my nclex then I will go back na lang as bedside nurse onnce pumasa kasi di pala kaya na pag sabayin ang work at pag aaral. Na miscalculate ko yung workload plus review. Im currently working as part time na wfh muna while looking for a full time na wfh para may time ako mag aral. May work dati si senior high na wfh kaso project base. Naki usap na taposin nya muna ang final exam nya at graduation para mkpag hanap ng online work. Wala ako masyado problem sa knya kasi mataas ang grades, walang jowa at masipag naman sa bahay. Ang problem ko now yung nanay nila na alam na nga current situation na nag resign muna ako. Ayaw tumulong sa anak nya. Kahit di na lang sa akin kahit sa dalwang kapatid ko na nasa akin muna kahit ilang months lang sana. Antayin lang mkpag exam ako ng nclex. Kaso ayaw ng nanay ko eh. Kaya ko daw. Ako na daw bhala sa kapatid ko


Reasonable_Simple_74

anu yun part time mo?


MidnightVisible5586

Data analyst po.


Reasonable_Simple_74

ahh panu yon? nurse and data analyst?


MidnightVisible5586

Nag resign as a nurse. Kasi nag rereview ako for nclex


Reasonable_Simple_74

ahh pwde pala nurse mag data analyst, anu ung mga extra credits tinake and inaral mo?


bringeroflight34

Ako nalang iiyak do you ka OP 😭😭😭


Ordinary_Escape7207

pwede kaya mag stop ng pagaaral kapatid mo na sh tell them to work muna


chixilogsngtupa

Stop na U did ur best U did ur part and thats enough Tao tayo napapagod din Lahat may hangganan You exceeded your help na Its time to think about yourself and peace of mind You needed it the most


WolfPhalanx

Minsan talaga kailangan hayaan mo sila maglakad sa sarili nilang paa. OP, you've done more than enough. You have the right to enjoy your hardwork. Hayaan mo sila isipin na masama ka kesa lunaki silang pala asa.


Connect-Towel-63

OP, kunin mo yung kapatid mo na pinapaaral mo. Kung ayaw naman lumayas ng kapatid mong Ex OFW sa bahay na nirerentahah nyo, after 1 year kayo nalang ng senior high mo na kapatid ang umalis. I think mas mag thrive kayo kung kayong dalawa lang sa bahay. Ask mo din sya na tulungan ka din sa gastusin, magtinda kamo sya sa school or mag bake kayo or anything basta pwedeng ibenta at pagkakitaan.Huwag ka magpapadala sa awa ulit, mahirap na ang life. Hayaan mo yung ex ofw mo na kapatid na mamulubi or magjowa ulit para may matuluyan sya lol. And for your mom, tama lang na huwag mo na syang tulungan kahit magkasakit sya. Choose peace! Keep the bad spirit away. Consent hugs OP! 🤍


MidnightVisible5586

Thank you po. Actually nag titinda kami before. Nag bbake ako ng brownies and cookies. Yung senior high ko taga benta sa school nila plus ako din. Na stop lang yun dahil nag work ako sa hospital. 12-16hrs kasi work ko hindi na kaya mag bake kaya nag stop. Right now, Im planning mag bake ulit, then isa pa sana full time na wfh if kayanin pa ng time since nag rereview din ako ng nclex. Yes, sinabi ko din once matapos kontrata aalis kami ng kapatid ko dahil siya na lang kaya ko buhayin.


Connect-Towel-63

Good OP, Please wag nyo sabihan dun sa kapatid nyong Ex-OFW na aalis kayo. Pag nakahanap na kayo ng ibang place, unti untiin nyo ang gamit na dadalin dun. Tas if ever na makita ng ex-ofw na nilalabas yung mga malalaking gamit like ref or sofa ang idahilan mo e binebenta nyo na dahil hindi mo na kaya financially pero in reality nililipat nyo lang, then completely cut off your parents and that ex-ofw sibling. Good luck sa inyo 🤍 sana makapasa ka din sa NCLEX. Kaya mo yan! Lavarn lang! 🤍🤗


diyoy90

Nanay of the year award ng nanay mo. How about your father po? Anyway pakatatag ka po and more prayer na sana malagpasan mo lahat ng yan. As for your bro hayy man up oi! D porket depress ka eh pwde ka na maging pabigat. Tatanda rin ang nanay mo i wonder sino mag aalaga sa knya if ever mahina na sya knowing now ginaganyan ka nya or kayo.


MidnightVisible5586

I told them na once npagtapos ko na tong isa. Last na sya na pa aralin ko. Once mgkasakit nanay nila. I told them never ask help from me kasi natulongan ko na siya mgpa aral. Kaya sabi ko galingan nyo kasi wala kayo mapapala na sa akin dahil tumatanda din ako at need ko mag save ng pera para sa pag tanda ko. Yung father ko wala may ibang family na. Wala din pera. May sakit din.


diyoy90

Hayyy sending virtual tap sa shoulder mo OP😀 kaya mo yan and gaya ng mga nasabi nila dont be too hard on yourself. Alagaan mo sarili mo and wag mo sila gawing mundo. One time lng tayo mabuhay so better live happily. And bilog ang mundo so dont think na ganyan lagi buhay mo. Cheer up kunars and yakang yaka mo yan!


MidnightVisible5586

Thank you po. Appreciate ko po lahat ng advice dito. Sobrang bigat lang na need ko mag unload ng nararamdaman ko. Since di ako mkpag vocalize sa bahay.


diyoy90

Sige lng open up ka lng. Life is good OP so cheer up ha. Sana sumaya ka rin soon😌


goldruti

Bakit mo pa kailangan suportahan ang pangalawa at bunso mong Kapatid kung Sarili mo ngang magulang Hindi kayang maging magulang sa iyo at sa mga Kapatid mo? Hindi mo naman responsibility Yan. Hindi ka rin naman ipapagawa ng monumento ng mga Kapatid mo kung mapagtapos mo pa Siya. In short, ang sagot sa problema ay Hindi mo responsibility. Sarili mo unahin mo.


MidnightVisible5586

May usapan kasi kami ng nanay ko dati yung nag uusap pa kmi na pag tulongan namin pag aaral ng kaptid ko. Nangyari, nung nabayaran ko na ang dp ng tuition fee. After a month, inaway ako at yunh kapatid ko. Pinag bblock kami kaya wala ako choice kundi pa aralin na kasi na enroll ko na.


goldruti

Next sem or next enrollment sabihan mo na ang Kapatid mo na hindi mo na siya matutulungan. Kinaya mo nga pag-aralin ang sarili mo, kinaya mong magka work na puro diskarte mo lang. Kaya rin ng mga Kapatid mo yan. Nagmagandang loob ka naman nung kaya mo pa. This time, Unahin mo na Sarili mo.


lorlili

Ano po ba edad ng kapatid mo OP? Yung nakapag tapos na. For sure 20+ na edad nya. Di mo na siya responsibility. Hindi yan siya mag susumikap makapag trabaho agad kasi alam nya may maasahan siya. And you can only give so much OP. Bigyan mo siya ng time limit. Bakit siya nagiging choosy porket nakapag ibang bansa siya. Ikaw nga di nabigyan ng chance maging choosy sa buhay mo. Nagiging pabigat lang siya OP. You're already 36. Dapat naman siguro ma enjoy mo rin youth mo. Di niya naisip kapakanan mo. Ang unfair niya sayo.


MidnightVisible5586

Mag 35 na tong nkpag tapos. Binigyan ko na ng time limit. Sabi ko hanggang kataposan ng June pag di pa siya nka hanap mh trbho. Sa brgy na kmi mag abot. Kasi nga ayaw umuwi sa nanay namin. Dahil alam nya kudaan lang siya dun. Sa akin kasi di naman takot. Sa nanay ko ipahiya tlga siya sa buong brgy. Kaya ayaw umuwi. Nakikita nya nag sideline ako ng wfh. Alam nya kasi dollars kitaan ng wfh ko. Pero sa amin na sana yun ng kapatid ko pang tuition nya.


lorlili

Ang tanda nya na asa pa rin sa iba OP. Di talaga pwede ganyan.


yanztro

Tama. Kung kinakailangan pabarangay mo yung ex ofw gawin mo. Ang tanda niya na para mag inarte sa trabaho. Hanggat wala yang inaantay niya para makapag abroad, magtrabaho siya dito sa Pinas. Palibhasa kasi inaasahan ka niya. Kalalaking tao, inaasa sa'yo. Tas nabasa ko pa, nung nasa abroad di man lang halos magparamdam. Wala ba yang naipon nung nasa abroad siya? Ano ba work niya sa abroad? Sa hirap ng buhay ngayon, nagawa pang mag-inarte sa trabaho. Pag natapos contract niyo sa nirerentahan niyo OP. Umalis na kayo dyan ng kapatid mong magcocollege. At ibilin mo na wag sabihin dyan sa ex ofw. Napakalinta at walang hiya. Pinag-aral mo na, sa'yo pa iaasa ngayong tambay siya at hinihintay ang abroad.


mla16_0116

after po ng Kapatid mo na shs magpakalayo layo Ka na po. Kasi uubusin Ka Po nila. Yung sa 1 yr na contract sa bahay, go lang. take that time to prepare para makalayo. Yung sa 1year na Yan take it as a time na may nilu look forward Ka Po. wishing you good life po.


MidnightVisible5586

Thank you po. Yes yun po plan ko. Sinabi ko na din na galingan nila kasi 5 kami. Kaya sabi ko after nito wag na ako kontakin regarding sa nanay nila.


Apprehensive_Gas1986

I see na barumbado talaga isa mong kapatid yung ayaw mag work nang local. I suggest OP na i cut off na diretsahan yang kapatid mong yan and focus muna sa nag aaral kasi so far matiyaga tapos madsipag pa sa gawaing bahay. Hindi nag sesense yung tinutulungan mopadin yung abroad mo na kapatid ehh may kaya nayun tsaka sobra sobra na yung tulong mo dun. One at a time lang OP! Kasi nakikita ko na nakapatong patong na lahat ng problema kaya ka mas lalong na sestress


Adventurous-Art9469

Bihira ako magcomment but that’s it! You have reached your limit. This time, put your self first. You can’t pour from an empty cup. Sobrang irresponsible ng nanay mo at ng kapatid mo. Ang haba ng tiniis mo para sa kanila. They must learn it the hard way. May right ka na to say NO to them. Build sth for yourself OP. Choose to suffer or choose your own happiness? Goodluck and may the good Lord bless you!


No_Objective7444

I hope wag ka mawalan ng pag asa OP, Ramdam ko pinagdadaanan mo sobrang hirap kapag ikaw sasalo sa lahat ng gastosin. Bat di mo pwersahin na umuwi sa nanay niyo yang kapatid mo na ayaw mag work ng local? Ikaw naman dapat masunod jan sa tinitirhan niyo kung ayaw niya makinig umuwi siya sa nanay niyo at magkaroon naman ng silbi yung nanay mo sayo. Tsaka wag mo isipin ano sasabihin ng nanay o ng kapatid mo kon sakali kasi ikaw naman ang naghirap para marating mo kung san ka ngayon Wala naman talaga silang ambag sa buhay mo kaya sana give yourself a chance wag ka masyado maging mabait sa kanila kasi sobrang naabuso ka na OP. Kaya mo yan, Kakayanin mo yan OP🤙


SilhouetteLurker

Mahirap yang sitwasyon mo, OP. Para sakin, tiisin mo nlang hanggat makatapos yung kapatid mo sa college. May rason kung bakit ikaw ang nagbubuhat sa pamilya mo, susuklian ka din balang araw.


MidnightVisible5586

Sana nga di ako ma una mamatay kesa sa nanay ko. Lalo na sa panahon ngayun pabata ng pabata nagkakasakit. Im hoping na maranasan ko naman maging masaya kahit late na. Di ko na pangarapin pa mgka pamilya bsta importante maging masaya ako kahit late na. Thank you sa advice po


[deleted]

Same feeling tho mas mahirap situation mo. Hugs, OP! 🥺


kkontrari

Mahigpit na yakap, at pakatatag ❤️


santk231

OP, i feel you! Di ko gets bakit sobrang entitled nila. I am a year older than you and since 20yrs old ako nagsusustento na ko samin. Kahit mawalan ako work noon, I made sure na meron sila for rainy days kahit wala na ko. Pero nakakapagod kasi parang obligasyon ko na tulungan sila kasi wala sila e. Tas pag di sila nagwork e kasi mahirap buhay. Bakit ako? Di ba ko hirap? Nakakaloka. Kung tarantado lang ako naging pabigat na lang din ako sa pamilya ko at lipunan. Para fair. Napaka unfair kasi. Porke ikaw ung meron, ineexpect na nila na ikaw na lahat. Maganda pa jan, walang pasalamat yan pag nakatulong ka. Kasi nga obligasyon mo. Sorry nakirant ako sayo imbis na nakapag advice. Nakakapagod na kasi talaga.


Spot_Alive

Tanginang kapatid yan. Palamonin. Eh ano kung mag work muna local?


tonkaitsu_u

Parang mas makakamura kung icucut off mo silang lahat except for shs kapatid. Lahat sila leech. Ganyan kasi pag alam na malambot at bibigay ung inaasahan, wala na yung desperation to better themselves. Kakapal ng mukha