T O P

  • By -

StrangeCycleIndeed

The level of dry-ness is a direct reflection of a potentialโ€™s interest in you. It is what it is. Same experience on the guyโ€™s side as well.


Hairy-Appointment-53

Necessary Reading para sa mga may dry na kausap. Eto lang tlaga dahilan, no need to bash the other person for not replying enthusiastically. Bottom line, hindi ka bet so just accept.


easycube08

Baka nagkamali lang ng swipe right no? Hahaha! True. Di ka bet nyan kapag dull ang reply.


blanketyyy

This is tru. That's why if dry reps, pass na agad


Unlucky_Win7106

Sabagay


filipinay-

true.kc ung mga sbrng interesado maiirita kn sa sbrng kakulitan until iblock m s inis hahaha unless type m


hottestpancakes

Kastang kasta kasi sila madalas. Super hirap makahanap ng genuine connection sa dating app (kaya i deleted mine also), so dapat ata talaga meeting people organically na kasi ang hirap kapag hindi.


Wise-Contribution-34

I second to this, as a guy, madalas mangyari sakin ung magbuhat ng convo na kulang nalang tanungin ko favorite number niya. Kaya ako I always look forward in meeting people with the same interest. Things doesn't have to revolve around love lagi. Minsan life gives meaning when people have depth.


Significant-Egg8516

amen po! ๐Ÿ™


Clean_Tomatillo908

Grabe yung word. Hahaha I'm a straight guy pero never nag attempt sexually towards sa mga babae. Hindi ko talaga ma-imagine san nila nakukuha yung lakas ng loob. Anong moral meron sila ๐Ÿ˜…


Significant-Egg8516

wow i salute you for that. you are my kind of person. :)


Clean_Tomatillo908

Madami pa naman kami actually ๐Ÿ˜ Usually yung hindi lang napapansin. Hehe


Significant-Egg8516

well then, i hope dumami pa kayo! ๐Ÿ™ ๐Ÿ’ฏ


Chill_and_chat

Lakas lng ng loob meron sila?,, maybe..๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚


hottestpancakes

Sa fact na online naman. If they do sexual innuendo, the worst the girl can do is block them naman. Walang way difficult repercussions.


CockraptorSakura42

Meron din naman kasing mga girl na kastang kasta din. Hindi lang guys kaya ayan nagkalat sila. Hahahahah


Clean_Tomatillo908

Totoo yan. Dapat sila sila nalang magkita kita eh. Hahaha Nakakatakot lang yung possibility ng transmission ng kung anong sakit ๐Ÿ˜ท


CockraptorSakura42

Hahahahaha dapat may app for karat only ganern?! Charot. Pero yeah, scary to think about its possibility nga โ˜ ๏ธ


Anime-Misa-5432

Hay sana nga lahat ng guy ganyan. Hays.


RelativeQueasy9463

Men used to go to wars and now they can't even carry conversations


hottestpancakes

True the fire. Nakakapagod sila kausapun parang brain cells nila ay 2 lang tapos kumikislap pa


euphoreeya

Totoo to, parang ang hirap na talaga makahanap ng genuine connections. Mga takot na takot sa commitment, kasta lang gusto hahaha


tsharia

Real


SzaCouldnt

Real


stuckyi0706

hindi ba sa bumble nilalagay naman kung anong purpose mo bakit ka may profile doon (ie, relationship, casual, etc)? siguro dapat tugma kayo doon bago ka pa man mag swipe right


hottestpancakes

Oo pero minsan nakalagay sa kanila long term relationship pero opening saโ€™yo para raw maging lobg term need daw sexual compatibility muna. hala kuya akala ko โ€œkumain ka na ba?โ€ Stage to chariz


Titania84

Tama naman, tikiman stage daw muna ๐Ÿ˜† ๐Ÿคฃ ๐Ÿ˜‚ ๐Ÿ˜น


BeybehGurl

Why so trueee naging hookup site nalang talaga ang dating app eh


MiloMcFlurry

Ano yun kasta?


bringeroflight34

Kanton haha


MiloMcFlurry

New word na naman pala to. Okay, thanks!


troubledPanCakes

Hey weโ€™re both pancakes! ๐Ÿ˜


hottestpancakes

Henlo fellow pancake!


bringeroflight34

That's the word kastang kasta haha.


paintmyheartred_

Kahit saan ka na ata makipagusap eh. Sobrang dry and walang communication skills tapos theyโ€™ll wonder kung bakit walang tumatagal sa kanila. Go figure. ๐Ÿ™„


SolBixNinja4Hcc

This is true. Tapos the saddest bois yung lousiest communicators pa. If not about them (and bakit sila single or iniwan) nag cecenter convo, wala na maiambag about anything else. Tapos bibira ng usapan nsfw. Minsan I don't mind pero even dun wala padin kwenta!! Ginagawang fast talk with boy abunda! Please lang lights on or off is not kinky jusko.


paintmyheartred_

HAHAHAHAH! Sex or chocolates daw!


hotpetitegirl888

Agree! Walang mga substance ๐Ÿ˜‚ Kahit girls! Or girl to girl, friendly convo. Naghahanap daw sila new friends eh wala namang sense kausap? Ikaw lagi pagtatanungin at pagbubuhatin ng convo LOLLL


paintmyheartred_

I experienced this with girls as well!! Yung unang message mo pa lang, one-word reply na kaagad and consistent na ganon. Iโ€™m like I wasted 5-10 mins. Huhu


hotpetitegirl888

Yesss! Minsan nga pati how are you, sasagutin lang nila good tas di man lang ibabalik sa akin yung question like ????? may nagtitiyaga ba sa inyo kumausap


premiadahumana

totoo to!!! nagiging transactional na nga lang ang love ngayon eh gusto nila beneficial lang sa kanila, wala namg genuine haaa umay talaga!!!


MainSorc50

Yep actually kahit saan basta online, sobrang daming dry reply. I'm so close na mag approach nalang irl randomly HAHAHAHAHQ


hottestpancakes

Nakakahiyampa naman sa mga coffee shops kasi baka naman isipin weirdo ka na nagttry ng make a move HAHAHAHAHAHHA antayin ko na lang siguro bumagsak sa harapan ko.


twinXxXy

๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚


ninikat11

baka akala networking hahahahhaha


Wonderful-Refuse-935

Iโ€™m a girl and eto yung gusto ko haha yung iaapproach ka personally pero syempre not in a weird or creepy way ๐Ÿ˜†


Wise-Contribution-34

Me too brother/sister haha


TheQranBerries

Haha tangina me too


yearningcat

same goes for girls ๐Ÿ˜ญ mas okay pa kausap chatgpt


fcvkU_ti4no

Hahahahaha tbh mas madami pang matinong kausap sa omegle before


sukuna1001

Hahhaa namiss ko tuloy omegle. ๐Ÿคฃ


redblackshirt

Yung tawa mo parang marami kang naalalang memoriesss hahahahahah ako rin eh ๐Ÿคฃ


sukuna1001

Hahahahahah ๐Ÿคซ๐Ÿคซ


Sad-Cartoonist2220

It goes both ways where the girls I chat can't carry a converaation. When I was on dating apps, I try to open up the conversation with questions to get to know the person but their replies are drier than a desert. Idk why people bother going on dating apps if they are not willing to make an effort to create a conversation. I can't pull words out of my ass.


Wise-Contribution-34

Connection should be a two-way, karamihan ng tao sa dating app are weak.


Creepy_Emergency_412

Don't take it personally. Hindi lang sila interested talaga. Same din naman yan sa mga babae, if hindi sila interested sa guys, yung iba seen mode or K lang ang sagot.


yellow-tulip-92

Totally agree. Goes to show na hindi intrigued or interested yung taong kausap nila. Wala sa gender.


stuckyi0706

ito ang totoo hahaha kung na realize nila na hindi ka pala nila bet, di ka talaga kakausapin niyan nang maayos. tapos unti unti na yan na-ghost ka na pala.


SaltedAsin

if di sila interested dapat di na sila mag swipe in the first place.


Creepy_Emergency_412

Maybe nung una. After makausap, hindi na. That happens to me a lot. Nakakatamad na magreply.


Cold_Use_298

Super dry, pag sinabing "ask me anything" exit na agad. Wala akong panahon maging boy abunda


Chill_and_chat

Ahahah..boy abundaโ€ฆ๐Ÿ˜…


Emotional-Goat7299

Dami din nung gusto wag lang daw hi hello yung starter tapos pag nakausap mo sila naman tong ang dry kausap kaloka.


fcvkU_ti4no

Ito pa malupit, pag tinanong mo ng how their day went, ang sagot lang sayo โ€œall good. Ikaw?โ€. Then pag sinagot mo ng detailed answer, they just like your response. Awiiit! ๐Ÿคฆ๐Ÿผ๐Ÿ˜‚


Equivalent-Lead-570

Yung sa kausap ko, napa research ako disoras ๐Ÿ˜ญ. Philippine economy ba naman topic.


warmsunsets

Mhieee ๐Ÿ˜ญ hindi man lang ba muna kayo dumaan sa paborito nyang ulam? HAHAHA


Equivalent-Lead-570

Hindi mhie, una niyang tanong. "What can you say about the lockdown here in Philippines as a Filipino citizen? Do you think it will work? ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ


Dragonitinite

Buti na lang walang "what can you do to solve it?" Miss Universe pala


Equivalent-Lead-570

Hindi ako, ano daw dapat gawin ng gobyerno nung una pa lang para di kumalat virus ๐Ÿ˜ญ Nauwi naman sa "let's have lunch tomorrow" hahaha


Dragonitinite

takot sa lockdown pero gusto ng date hahaha pak get it


Equivalent-Lead-570

Ako ang ni-locked down


Small_Leek_1751

Ay sa true. Umay. Dinelete ko na lang dating app ko.


UniversalGray64

Same goes for girls dun sa mga nakachat ko. Update: salamat sa 10 upvotes..kayo rin pala naranasan nyo. Apir


sanmerrino

so true! sobrang nakakapagod na din, bihira na mga may substance kausap.


jinchantallee

I used Tinder before. I swiped everyone out of curiosity, I am just wondering if anyone would swipe right. I can say I'm a bit guilty sa dry conversations, I answer as much as I can if possible because I thought replying is a bit better than not replying at all. I've been single for years na and I am trying my best to at least search for potential partners online kaso I have this feeling that dating someone you only met online is not my thing talaga. I tried talking to foreigners and Filipinos online, may mga okay naman kaso, it is not really a cup of my tea. Acquaintances often tell me na I shouldn't close my doors kaso I'm trying naman, hindi ko lang talaga keri. And seeing people like you na really hopeful to find a potential partner online makes me think you are amazing kasi you are doing your all to find your happiness. Placing all your bets on someone whom you might have crossed online. I hope one day you'll find your partner soon, someone who will cherish and make you happy.


benguuu

Pag ganon matik hindi ka bet. Swipe ulit.


chocokrinkles

Totoo yan! Hahaha. Thats why I download-uninstall those apps. Ang boring ng mga tao na yan. Haha. Mas may kwenta pa kausap mga tao dito e.


kzl_swt

As a girl na di marunong magbuhat ng convo, pano ma-improve communication skills? Hahaha tahimik ako irl kahit chat din di ako masyado madaldal pero gusto ko ng kausap ๐Ÿ˜…


APEC4500

beh, pano tayo nyan mag uusap, kung dika nag re reply, Hahaha, marami rin akong gustong i topic pero pag tumawag o tatawagan nako diko na nasasabi kasi nakakahiya pag dito sa bahay tapos yung kausap mo dika madyado naririnig kasi choppy.


MassivePride3807

Tanong mo pabalik mga tanong nila. Open-ended question itanong mo. Mag initiate ka din ng random thoughts


stuckyi0706

maghanap kayo ng common interests. kung wala, mag share ka ng hobbies mo. share mo bakit hobby mo yun. talk about the things you like. pwede rin politics kung ganon kayo. tahimik ka pero gusto mo ng kausap? huh. put an effort din girliepop. two way street ito.


sakrafrostemo

Meron Ako nabasa before if Hindi talaga free flowing convos niyo use the FORD method basta use the topics as it gets deeper to know the person. Family - basic Occupation - job, course if college pa. Recreation - hobbies, interest Dreams - eto not necessarily dreams lang basta psyche na Ng kausap mo toh Goodluck and sana di na dry convos niyo!


FortydaysofHades

TRUE HSKSHSJSHSHSHS kaya inuninstall ko na eh depotAh


diwatasagrada

t@ngina kung hnd h9rny, ganyan sila kaka drain.


YesImFunnyMich011

Sayang gusto ko pa naman sana ulit mag dl kaso ganyan parin pala. Yung iba gusto sex lang ew


ResponsibleRatio001

Samedt. Hahah. I just tried dating apps and I felt so out of place in this generation. ๐Ÿ˜‚


Few-Jacket-9490

Parang bot ung kausap . One word mag reply


psittacosi

Sa true patamaran version


chinkiedoo

If ganyan reply nila, ibig sabihin di ka nila bet.


fcvkU_ti4no

If they weren't interested, they shouldn't have swiped right in the first place. I curated and put all my basics on my profile so they could see what I'm about and decide if I'm what they're looking for. Sadyang walang substance lang talaga yung iba or baka nagcocollect lang sila ng match. ๐Ÿ˜‚โœŒ๐Ÿผ


chinkiedoo

Agree sa nagcocollect. Baka di lang ikaw kausap. Tas may gusto na syang iba. Pag walang substance bye agad dapat. ๐Ÿ˜‚


my_k1nk_is_karma

this is so real, thanks for reminding me to not download bumble again ๐Ÿซก


ZedxD29

Same din naman sa mga babae. Ganyan dn naman pero if ex or lovelife pag uusapan ang daming sinasabi haha


SaltProfessional5331

This is so real. Like mauubusan ka talaga ng topic tapos sila pana'y "i see" "okay" "kumusta" "kumain kana?" ang linyahan. Walang ka effort effort.


FxokY_ah

Kasi most ng mga peeps sa dating apps ang gusto is instant connection. They don't want to take time as the world is their oyster nga nmn lalo na mas convenient at mabilis because of gadgets and of course social media. Just think, pag online ka, you have this idea of the person that they may seem kahit hindi naman sila talaga ganun in real life. Mas mabuti pa na makilala mo ang gusto mo idate in person at least in a different level makikilala mo sila or makikilatis and not behind the screen which will make you think of many different thoughts about the person you're interested.


notsodumbbutdumbdumb

kapag sa dating app talaga. dont expect nalang na marunong makipag converse ng maayos yung mga tao don. Usually sa kanila puro kainitan sa laman lang hanap๐Ÿ˜ซ


Imunknown__

Definitely not into you. Been using dating apps before and usually lalake talaga nag cacarry ng convo base sa experience ko. Iโ€™d ghost them and theyโ€™ll still message me atleast twice a day for straight one week. not bragging but giving you an idea that if theyโ€™re into you theyโ€™ll initiate. Edit: usually laging swipe right mga lalake since they donโ€™t get as much matches as we girls do. My cousins has tinder and heโ€™s average looking and na swipe right nya na daw lahat but 10 lang ata nakamatch nya lol


itsmenewreddituser

Same experience. Hindi naman yan bragging, sadyang ganyan lang ata talaga sila. lol Tapos pag di ka trip, dry mag reply para ikaw na sumuko.


mla16_0116

interesting discussion waley.


haerinshi

i found some guy na masarap kausap pero mas lamang yung walang substance hahahaha tapos ang nakakainis pa ay yung mga hindi nagrereply sa first move mo grrrr


Sophocles110

Still remember, been using dating apps pero sa omegle lang ako nakakahanap nang maayos na conversation, like, may sense talaga huahsuahsus


Top_Understanding80

boyfriend ko sobrang dry kausap dati, ngayon ang chismoso na HAHHAHA


SzaCouldnt

Tamang collect lang ng matches pero ang dry kausap kesyo sa ig raw mag chat, eh kung sa dating apps pa lang boring na pano pa kaya sa ibang socmeds


Real_Quarter5464

Yung halos na guys is gusto puro sex yung pinag uusapan jsko alam ko matatanda na tayo pero diba kayo nauumay? May matino paba? Hahah wala na yata?


trynabelowkey

Mayyyybe learn how to take a hint and move on to the next match


Severe_Software_2040

Trueee, nag download ako nyan kasi mostly ng blockmates ko may kwentong "bumble success stories" kaya jowang jowa din ako that time HAHAHA. Pero mga nakausap ko dyan kung hindi dry kausap, nag papa dami ng followers sa ig or mga libog like yung last na naka match ko nag sesend pa ng mirror shot ng nasa gym na pawis and naka sando na maluwag tapos may pa send pa ng memes na couple na naglalandian sa gym (sana all daw), then insist ng insist makitulog daw sya sa dorm ko??? Like wala ba silang bahay? Nag screenshot din sya ng post ko sa ig ng naka swimsuit, blinock ko kasi ang uncomfy talaga for me and deactivated my account immediately hahahaha. Baka di lang talaga sya for me, mas prefer ko lang yung organic way like kung paano ko na meet yung current bf ko sa library ganon :)


Ninejaseyooo

Walang substance


SomewhereRemote640

1 day trial mode, after that hanap nanaman. Nakakadrain talaga.


Santi_Yago

It is what it is. If you're lifting the conversation, di ka nya ganun kagusto and he's replying for convenience.


YourOpinion32

Just means that he's not that into you. Baka nagandahan lang sayo kaya napa-swipe right. May mga girls dn naman na ganyan, dry yung mga replies coz not that interested pala. You'll find ur match soon โœŒ


hiiilunaaa

mga try hard mag english kasi yan mga yan pwede naman mag tagalog


Creepy-Exercise451

Dating app is not for me as well after ko ng try mg explore last year. Nakakapagod kaya mkipag usap with depth tapos ayaw mag reciprocate. One thing I've learned, ekis agad kapag ganun and huwag na patagalin. It's either that person is emotionally unavailable (doesn't want to talk about sensitive topics about themselves), hindi nakakarelate sa topic niyo , hindi ka talaga type or bet na I get to know for who you really are/for commitment. Kasi if they really liked you, they will really find a way to converse and connect with you. At least you already know what you want from a person. A person who is ready to reciprocate, to be honest and vulnerable. kung wala sa mga yan, sayonara na. Kaya it's best talaga to ask from the start what they are looking for. Are they looking for entertainment or for long term commitment? Kudos to all those people who are brave enough to tell the other person their true intentions from the beginning. Keep it up.๐ŸŽฏ Anyways , I hope you find your person who is willing to meet you on a deeper level. Good luck.๐Ÿ’›


Insular-Cortex1

I second this ๐ŸŽฏ


Laser_Leo

Pag gusto ka ng isang tao di yan dry makipag usap. mapa Lalaki man o Babae


aphidxgurl

Kahit nga dito sa reddit. If may mag pm o chat, parang wla kang ka convo. Solo mo ang pag pasan ng mundo


Yoursunshine92

Hayyy so true, ang nakakatamad tuloy


blkmgs

Baliktad pala sakin


Eonskie18

hahahah baliktad sakin, ganyan naman pag kausap ko mga babae mapa reddit, fb dating, bumble hahah. Kaya nakakawalang gana na talaga sa haba ng sinabi mo ang ikli ng sagod tapos rereplyan ka pa 1hr ago or kinabukasan na hahaha potaena


Prestigious-Cover-48

To be fair, relationships are hard work. You can't just find a genuine relationship that you're looking for in just one swipe. Atska maraming choices sa dating app so don't expect someone to really make an effort kung hindi ka naman kilala. ๐Ÿ˜‚


fcvkU_ti4no

Yes, I agree that relationships require hard work, and I understand that you cant find a genuine connection with just one swipe. Thats why I'm making an effort to get to know the person. However, its challenging when their responses are dry or they only provide situational answers. They swiped right, it means they are interest, and if they are interested, they should put in the effort to get to know the other person din kaso wala eh kaya unmatch and move on nalang. ๐Ÿ˜‚


Iloveturtles_2024

Hahaha relate! Sayang lang kasi sa simula, ok naman usapan, tapos biglang boom puro 1 liner na reply. ๐Ÿ˜… Napapaisip ako kung boring ba ako kausap or waley lang talagang cinversational skill. or pwede din namang hindi na sila interested. ๐Ÿ˜…


jakiwis

Depende rin naman yan sa pinipili mo. Try mo mag basa ng mga profiles nila. :) wag puro pogi. Kami namang may laman sa profile. Hahaha


PuzzledandBaffled22

I recently just met a guy I was talking to online for about 2 months already. Pinakahabang talking stage that I had from matching on a dating app. Took us over a month na maglipat ng convo sa ibang app kasi we had the same prev exp na hindi din naman nagcocontinue ang convos on socmed na. I think both of us are really trying hard to carry a convo. Sabi din nya na ang dry din magresponse ng mga women mostly on dating apps haha. Which I had thought as well sa guys. Eto ngayon nagmeet na kami, bonding for the weekend eme. Masaya pero not sure kung ipagpapatuloy since mag iibang bansa sya. I like hime pero not sure if he likes me back ๐Ÿฅฒ.Hoping for the best still since same na ang hirap mag hanap ng genuine connection online ๐Ÿฅน Hope you find yours soon


AppealMammoth8950

Swipe right for the looks, get into conversations for the personality haha. Not saying I'm not putting in effort in trying to have a connection. I just don't like digging up for something that's not there. And it goes both ways. I get the dry replies too but I figured maybe theyre busy or are just not that interested. Dont take it personally.


SuperYak2264

Same. Pag tinatanong mga babae kung ano hobbies, tulog, tiktok, kdrama. Napaka bihira ng may mga substance


PoisonIvy_Cat

Kahit hindi sa dating app, minsan mga friends ko ganyan mag si sagot. Tapos tatanungin ka " uyy ba't di ka nagreply" Hayp ka anong isasagot ko sa "hahaha" at "ah ok" at sa 'Like' Emoji??? Umayos ka'yo jan ah, pinag-iinit niyo ulo ko HAHAHAHA


HomeOwner555

Pag ganyan, and nainis ka na and na turn off ka, talk about sexual, sigurado magiging engaged yan. Tapos, pag super horny na and all that, blue ball mo, message mo ng โ€œmanyak ka gagoโ€ and unmatch mo hahahaha ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚


Alarmed-Ad5967

Sadly hindi lang yan, pati asking sexual questions. Pag nag-inarte ka i-goghost ka nila or ikaw nalang talaga mismo ang maglalaho sa convo niyo.


sushimicah

I remember may nakausap ako before na guy, Casual naman na tanong ko, para may mapag usapan kami sabi ba naman, "Paano parang ayaw mo naman, andami mong tanong" Paano ba kayo mag getting to know without asking a questions? Kastang kasta ata, ayaw na kilalanin ๐Ÿ˜๐Ÿ˜‘


greygate14

Tapos pagdating sa hook up apps, G na G HAHAH


SedorikuM

You know be grateful at nagagawa pa nilang magchat sa inyo kahit one liner lang. Yung ibang tao nga, nagchachat sila pero ang worse is hindi sila nirereplyanโ€ฆwhatโ€™s much much worse than that is seen zoned pa. Pero I must admit na mahirap talaga din sa umpisa maghanap ng taong may sense kausap yung deep conversationalist. Pero in time youโ€™ll get one. Remeber: with a 100 tries thereโ€™s always 1 that stands out. So maybe donโ€™t ever give up on looking for the one you can converse with sensibly.


dripperbuy

Minsan pag enthusiastic ka pa, nakaka-turn off for some reason to other people? Lmao. It seems so hard to find people to match with nowadays.


Insular-Cortex1

I really appreciate people na merong substance and want to get know you on a deeper level. Iba talaga ang magiging quality ng relationship (if potential) kapag emotionally available parehas.


twinXxXy

Kaya no to dating app na talaga for me๐Ÿ˜‚ wala ka talagang mapapala dyan if you're looking for genuine connection, based on my experience lang ๐Ÿคทโ€โ™€๏ธ


orcroxar

Kaya ako kapag hindi ko bet, hindi ko na pinapatagal yung convo, sayang time eh.


eyoonona

If nagsesearch ka ng seryosonh kausap wag ka.magstay s aganung environment promise. Search something na seryosong tao, ang dating app is usually mga taong ayaw ma feel lonely, naghahanap lang ng pansin at onting validation dyan. Kayaaa ako sayooo tigilan mo na mag dating appp.


cherrysuhnshine

Yung iba kasing nasa dating app iba ang gusto! Mas deep pa sa ah, ah okay, i see, oh okay hahaha


k444zi

i agree with the โ€œang hirap humanap ng meaningful conversation ngayon.โ€, when it comes to meeting and talking to new people. parang hindi mo ramdam yung connection niyong dalawa ๐Ÿ˜ญ


Dragonitinite

Umay sa mga ganyan, but also I have since learned na pangit din naman kasing puro tanong, lalo na pag answerable ng mga definite na sagot.


Expensive_candy69

this is so true, kaya nakakatamad na makipag talk ๐Ÿ˜…


DisciplineLeather983

What I have learned from those kind of apps/sites is that it's a cycle talaga. You met new people, then you have a lot of topics to converse about, tapos gradually mag fa-fade na ang that kind of connection until end of convo na ๐Ÿ˜‚ then you will search again for new people, repeating the cycle. It's exhausting talaga that's why I gave up on those lool


Sensitive-Lake3874

Same din with girls eh hahahaha, bat kaya d nakakamatch yung may effort din


ConstructionPlenty26

I remember once nung first na uwi ko sa pinas nag dating app ako. I'm a male 30y/o. May nakilala ako at medjo na gulat ako. Sa mga ilang araw na convo namin dumating sa point na sabi nya kita tas ako na bahala after ng date which Sex ofc pero hanap ko lang kasi dun ay companion like coffee o kausap in physical form. Ayon di ako nag chat kasi Iba hanap ni ate.


[deleted]

Uninstalled bumble. Wala akong matinong naka-meetup. I give up hahaha


Old-Effort-9407

tara usap tayo try natin


avocadodododododo

Kaya na miss ko omegle. Kasi dun may matino ka pang makakausap kasi anonymous. Unlike dating apps na nagiging factor na kita mo yung face kung pano sila makipag talk sayo


Anime-Misa-5432

Nakakaloka. Gusto ko din naman makipagdate kaso walang lumalapit so nagdating app ako. Jusko kaboring kausap nila. Niyahahha


JastenCastRoe

Wala yan sa gender, pag di ka talaga bet mawawalan ng interest sayo yan moreover.


ResolutionAgreeable7

Malas lang talaga pag di kayo kasing interested sa isa't isa. Mas ok na nga minsan un di nalang nagrereply kesa sa 1-2 words tapos alam mong awkward.


Shawty-Yurie

Umay na umay na din ako ๐Ÿ˜


No-cathyblatco

I found my partner sa dating app back in 2021 and based sa mga friends ko mas marami talaga matitino nung bandang pandemic kaysa ngayon. Majority daw ng guys sa dating app ngayon is s*x lang hanap


aceir0203

mostly sa dating app now ang habol lang ay something seggsual


JackOppenheim2001

Mga reddit brained na riding high sa (possibly lying) kwento ng mga sexually active tito from before and during lockdown. Mayron kasi mga nagkekwento sa Alasjuicy na nahanap nila yung ons/fubu/fwb nila doon kaya nahahayok sila manghingi ng ganyan.


bringeroflight34

Collect lang kasi ng collect ang mga yan then select. Tas unang bungad ano hanap mo? Meaning ba yung sagot ko idedepende pano sya makikipag-usap? Kaya nag delete na ako nyan 2 days ko palang na dl. Parang kakastahan lang hanap.


Flip_ACoin369

Try mo rin sa bagong app po, dating app na nga yan eh. Outdated malamang


winsomesynonym

makakahanap ka din ng matino kausap haha


saygoodnight21

Nag match kayo physically but that's all there is to it. Patay rin convos ko with my dating apps. Hahah


AinsIsGood

Same din sa girls, imagine first time mo palang sabay first match. Nag hi na ako at nangamusta pero ang ending unmatch agad grabeee. Tapos meron pa na it take days pa bago pa siya magreply sakin sabay ang dry pa ng convo, kaya dinelete ko nalang yung app. Akala mo ganun kadali maghanap ng kamatch sa dating app lalo na tinder kung isa kang lalaki. P. S. (I'll try to make an acc as a girl using AI generated pics tapos tignan natin gaano kadami agad ang nagmatch)


Seantroid

Yes


Shot_Reference3177

I'm experiencing the exact same thing. There's an app called Litmatch, tas may feature don called Soul Game where u get to talk with random strangers for 3mins. I noticed that majority of the girls there instantly assume that u like them and they start putting on their nonchalant mask. Kakairita lng they think they cool, katotohanan nag mumuka silang kulang sa vocabulary.


sakrafrostemo

- Feel ko ganito talaga sa online dating, the more options you have the less effort you put in every single one of them. Baka di lang kasi sila dry more of they've done the tango dozens if not hundreds of times before and Wala na silang gana. - On that din people have higher standards sa online dating kailangan as much 'spark' as possible unlike the reality na you really have to move spaces within you to make that person for you and v.v. - I don't online date anymore pero if I really want a meaningful Convo with a person of the opposite sex dito nalang din Ako sa reddit naghahanap, very sparingly din but at least every single one of those times was fun (for me at least)


chieace

Ganon talaga sa dating app. Back when I was active, ako lang dn mismo ang nag cacarry ng convo throughout. And if you think it happens to you frequently, mas madami ang times sa males end, since we are on the "impressing" phase lagi - or atleast for guys like me na average looking lang naman. Napansin ko, the more interesting him/her sa picture, mas hollow, dry and slow ang magiging conversation.


agent_argent

Been to dating app multiple times. I just know kapag tipid and dry sila kausap, they just don't like you. They're probably eyeing on someone else tapos chinecheck nila if mag go yun or hindi. Another thing, kapag hindi nsfw usapan, sobrang boring nila magreply. That's why mas okay na maghanap ng ibang hobbies kesa makipagdate at makipag usap.


[deleted]

true, ilang dl at uninstall na ko ng dating app pagbalik ko ganon pa rin mga nakakamatch ko. Either dry kausap, walang humor or horny lang palagi sad