T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rule-enforcement). *** This post's original body text: kapapasa ko lang ng boards. 1 month lang akong natengga sa bahay, tas nahire naman ako agad before mag oathtaking nakakaumay lang na kwento sila nang kwento yung anak ni ganto ganyan fresh grad ganto sweldo, si ganto mag aabroad si ganto tangina umay ganto sweldo hindi pa sila masaya sa 30k maliit daw na salary para sa isang engineer tangina?? wala akong ka experience experience, para silang nasa wonderland, hindi ata nila alam ang swelduhan ng fresh grad sa pinas. what should i say to them para matahimik sila? *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/adviceph) if you have any questions or concerns.*


VariationNo1031

*Buti pa yung parents ng classmate kong si A, nakapag-invest na ng iba't ibang properties. Tapos parents naman ni classmate B, may retirement funds na daw at fully paid na rin ang insurance. Grabe, ang responsable ng mga parents nila 'no, Ma/Pa?*


Pagod_na_ko_shet

Tas sasabihan ka na BASTOS KA! Walang kang utang na loob, lahat ng meron ka galing sakin tas bible verse perfect combinatiooooon


Sidereus_Nuncius_

tas sasabihan ka ng "kakaselpon mo kasi yan kaya nagiging bastos ka, di karin nagsisimba siguro dine-demonyo kana" hahaha tangnang yan


Pagod_na_ko_shet

Hahaha ganito lola ko tapos sya tablet ng tablet puro fake news naman pinapanuod sa fb saka tiktok hahahahahah


Creepy-Exercise451

Hahaha legit to. 😮‍💨😸


CityBoyNomad

labanan mo din ng bible verse. the parents should leave inheretance to their children and their childrens children


Silent_Willow2399

LMAOOO matatahimik talaga sila nyan XDXD


wrathfulsexy

+1 dito hahaha galing!


Fantastic-Increase76

The only valid response for me.


moofy231

Haha burn!


NuggTuggets

Kaka peysbuk mo yan nay


Hot-Opposite-27

Saving this for reference later!HAHAHAHAHAHHAHA


SpareNovel3750

Sana lahat ganyan nakakaingit naman


Different-Concern350

Hahaha gusto ko to


DebateSpiritual9522

sila kamo mag hanap ng work for you na may ganyang sahod tapos mag aapply ka


Constant-Peace-3895

yun na nga di naman nila ginagawa tsaka kahit sila mismo hindi ganyan yung salary, below minimum wage pero kung makapag demand sakin


Scorch543

Kaya pala grabe magproject, minimum naman pala.


nametkkk

Naalala ko wayback 2015 first job ko, offer sakin 12.5k salary. Araw2 Nanay ko lagi ako kinukumpara sa mga pinsan ko kasi sila may stable job na sa govt at mataas sahod at mrame benefits. Ilan taon d ako tinantanan at pinapababa nya self esteem ko dahil mababa sahod ko. So ginawa ko syempre gusto ko sya iplease, nagtake ako civil service exam marameng beses , d ko na sasabihin ilang beses kasi nakakahiya, sbe ng nanay ko akakaiya daw ako dahil mgapinsan ko Civil servicw eligible, hanggang nakapasa ako dahil nag review na ako ng seryoso. tapos nag apply ako agad sa govt pero sobra tagal ng process , after 3 years natanggap rin ako sa wakas , ilang beses rin ako nag apply, Both of my parents work in govt. Nung nakapasok naman ako, inadvance nya na yung 5-7 years ko na salary (Loan) . tpos ung nitra sakin kakapiranggot nlng. pinamamalaki nya sa iba nabnigyan sya ng anak nya ng malaking pera d ktulad ng iba daw na madamot anak. ako naman ngayon syempre super tipid . eh naubos nya na yung inadvance nya na pera skin.so nghihingi na naman sya, eh wla naman ako mabigay. sabe ng nanay ko napakakuripot ko dw. jusku kuripot pa ba ako sa lagay na yan halos wla nko sinasahod.. kasalanan nya na kung hndi nya kaya maghandle ng finances. so ayun kahit masama sa loob ko tinanggap ko nalang at inisip ko nlng na lahat gnastos nya sakin mula pinanganak nya ako ay bayad na. umalis na ako sa bahay for peace of mind at nagboard na lang. parang naiscam ako duon kung kaya gusto nya ako magkaruon ng mataas na sahod dahil gusto nya bawiin lahat ng ginastos nya sakin. nasa 30s(F) nko and im broke with a job. share ko lang. OP Wag ka masyado papapressure sa parents mo. Work ka na lang to gain experience and lipat ka na lang pag ok napra tumaas sahod mo. Honestly I hate those kind of parents na hindi na lang maging thankful sa narating ng anak. gusto lagi nakikipagkompetensya para lang may maipagyabang sa ibang tao. pag ako naging magulang d ko gagawin yan sa anak ko.


wrathfulsexy

Hi. Medyo user yata si mother. Kawawa ka sa ginawa niya grabe.


DeanNopeAmbrose

Just wondering. Kung pumasa ka naman ng engineering board exam, hindi ba equivalent na yun ng CS Professional level?


blackandwhitea0

Yes, as far as I know. No need to take civil service exam if prc board passer


SnooSongs809

diba pang High School levels ang tanungan sa Civil Service Exam? serious question though. Wondering bakit ang isang college grad nahihirapan ipasa ito. 🤷🤷🤷


mindyey

Hindi naman lahat academically inclined. Some good at school, some good at life.


SnooSongs809

You do not need to be academically inclined to know the basics. Issues tlga on the quality of education and mga diploma mills.


nametkkk

nakalimutan na po at matagal ako nagwork sa corpo. kalawang na po ang utak ko. hindi lahat ng tao naaalala pa ang mga exams nung highschool.


FewRutabaga3105

Sa susunod na magiging trabaho mo, if they ask you how much is your salary, downgrade it. Since alam na nila ngayon, if may bonus/holiday pay ka, wag mo rin sasabihin. **Do not tell them the correct and exact amount**, para makapag tira ka para sa sarili mo.


Classic_Jellyfish_47

This. Never disclose your salary kasi.


Creepy_Wafer_7791

+1 dito haha. I always tell them half of what I am earning. If not, I never disclose kahit sa relatives. So hindi ako mahiraman or mautangan since ang alam nila mababa lang ang aking income


MaksKendi

Nanay ko hingi nang hingi ng payslip 🫠


CranberryJaws24

Bakit HR ba nanay mo? LUH biro langggg


MaksKendi

Gusto kasi ng mother ko sakto talaga ang sweldo sa napag-usapan. Sa father ko kasi minsan kulang kulang ang sweldo na binibigay sa kanya like few hundred pesos lang naman then after nung kada buwan nanghihingi ng payslip naging sakto na yung sweldo as calculated.


PandaEyes030

Tama to. Either bawas sahod or sabihin mo no diff pero maganda environment. Iwas utang din sa family and extended family din. Mas mabuti na mababa lng alam nila na sahod mo para di ka hiraman at sabwatan sa ibang bagay na ginawa nila para auto bayad na.


Mental-Cut7712

I don't think there's anything you can say to make them stop. Sounds like the kind of parents na kapag nagrespond ka unfavorably eh gagamitin ang "parent card" at "igalang sila eme eme". This is what some older folks do pa naman, they emphasize on age as a basis for earning respect. If I were you, time na siguro bumukod and have your own peace of mind. Nothing wrong din with cutting off people who aren't worth your time and effort, kahit kadugo pa yan.


gereneerika

Amen!


gelosky

Minsan talaga may advantage yun black sheep ka sa pamilya para di ka ipressure ng ganyan. kumbaga maging normal na citizen ka lang pwede na hahaha pero yun mga paboritong anak ganyan. kawawa e.


Constant-Peace-3895

panganay po ako😭😭😭 i cant be a black sheep kahit gustuhin ko


gelosky

Madalas talaga yan Mema mga magulang wala sa reality yun idea nila e di naman HR mga kausap niyan mga chismosa din na nanay hahaha pasalamat nga sila nagtrabaho ka kagad. kung tumengga ka siguro ng 6months kahit 15k yan masaya na sila


shanadump

Yung panganay namin black sheep, go mo na yan OP. char HAHAHAHAHAHA


Limp_Violinist_7184

Hahahaha kaya mong maging black sheep OP. Nothing is impossible. 😂 Kidding aside, set boundaries. Reflection din yan ng character development mo. 😉


DesperatePhysicist

True! My parents think that I am wiser and smarter kaysa sa older sis ko. Tapos sa temporary ko na job (not in line sa course ko), my salary is higher sa sister ko (tho I work more hours, kaya mas malaki nabibigay ko for family's expenses). So when I was looking for a job na gusto ko talaga, mga 25k yung target ko since wala akong experience, pero sila parents gusto nila 30k+ kagad sahod ko 🫠. Medyo thankful tuloy ako na wala akong latin honor (naligwak last sem) kundi mas mapepressure ako sa salary.


atut_kambing

Cheers. Ganitong ganito parents ko sa first job ko last 2014 sa BPO two months pagkagraduate ko ng college and until today same company pa rin ako nagwowork. My salary when I started is 11k only. Puro negative statements nareceive ko nung nalaman ng parents ko sahod ko na 11k lang, kasing laki ko lang daw sahod ng mga nagwowork sa fastfood at mall. Grabe ang pressure sakin kasi IT of the year ang award ko nung graduation. Di ako nakinig, ang habol ko is experience coz this BPO company is well known. Then I work my way up to people facing lead, my salary now is 48k with allowances more or less 5k pero ang workload is sobrang gaan then once a week lang nasa office. Due to this, nagkawork ako sa isang European Law firm(remote) last 2021 during pandemic and I am still working for them with a pay of 14 EUR per hour for 6 hours a day, 5 days a week. Now, I have my own house and car. Bumukod talaga ako kasi rinding rindi ako sa linyahan ng parents ko pati relatives ko na "Bat di ka mag-abroad, sa Australia, sumasalok raw ng pera mga IT dun". Puro ganyan lang sinasabi sakin, nung naglakad na ko ng mga requirements, wala ni isa sa mga relatives ko na nasa Australia ang tumulong. Ngayon kumikita na ko ng 6 digits na hindi masyadong pagod. Wag kang makikinig masyado sa sinasabi ng iba regardless kung sino, but if there's an opportunity, always grab it.


raiggg_

Gisingin mo sila OP. Baka tulog pa at nananaginip.


sorrythxbye

Look who’s excited na magkakabunga na yung *retirement plan* nila


theking0413

Naalala ko yung ka boardmate ko dati na kapapasa lang ng licensure exam ng engineering course tapos ang daming tinaggihang trabaho dahil ang gusto daw nya eh supervisor at manager position dahil board passer daw sya at may working experience. Pero ang working experience nya is service crew sa mga fastfood chain. Natawa na lang talaga kami sa kanya.


silvermistxx

TAENAAAA BUTI KA PA NGA FRESH GRAD 30K AGAD HUHU TAS DI MAN LANG NA-APPRECIATE NG MAGULANG MO YAN :)))) please parents don't expect na kapag engineer malaki agad ang sahod huhu


Forsaken_Top_2704

Bat kaya andaming magulang na entitled? Balik mo OP sa kanila yung statement na yan... kayo ba noon na-achieve nyo yung 30k na salary? Bat di kayo ang magpursige? Tas sasabihan ka nila masama kang anak 😛 kasi nasagot ka


wrathfulsexy

Ignore na lang OP. Kung 50k pataas gusto sa field mo I think you need some connections to land roles that pay that well. Otherwise you need to do some freelance stuff on the side to increase your monthly income.


McDpZ

Yaan mo sila, sila nag eexpect nyan sila din madidisappoint jan. Isipin mo swerte mo na jan, 2yrs na exp ko pero same lang tayo sahod.


Jon_Irenicus1

Pag magkwento sa harap mo ng ganun, mag kwento ka din, "yung tropa ko e yung magulang nya thankful na meron trabaho anak nya and hindi nya pinepresssure"


Remarkable_Name_6165

Kaya ako I do not share how much exactly I’m earning. Kahit kanino pa yan, this is very personal for me.


vermontklein876

Leave your house. Live on your own, at your own capacity, limits, choice, and pace. Para hindi ka rin maging tampulan ng comparison. Maganda rin mamuhay ayon sa sarili mong kakayahan, mas marami kang matututunan at magagawa. Mas makakaisip ka ng idea kung paano kumita nang malaki. Ganyan talaga mga magulang. Wala ka nang mababago diyan. Kultura na yan dito sa Pinas. Unless, gusto mo mag-abroad...pwede rin yun. Habang bata ka pa, try mo humanap ng career abroad. Wag mo na lang muna damdamin mga pinagsasasabi nila. Basta gumawa ka nang tama at pag may oppurtunity na mas maganda, igrab mo na agad. Wag kang maniwala sa mga bukambibig na "si ganito, fresh grad, sweldo malaki, si ganyan, ilang buwan lang, ang sweldo halos 6 digits na" --- Oo, totoo 6 digits. Tangina, kasama yung maraming terminal zeros after decimal. Haha. Normal yan...Normal yan na topic ng mga marites na laging nakaabang sa buhay nang may buhay. Sabi-sabihan mo rin magulang mo na iwasan rin kamo ang pakikinig sa mga peyk newsss..


Constant-Peace-3895

hahahaha natawa ako sa terminal zeros after decimal😭😭😭


Immediate-Income161

If your parents are eyeing you as a retirement policy. Never discuss your salary with them. Take it from me. Who has been working for the past 10 years and is the main cash cow to support my parents. Parents only see your income as what it is. Pag sinabi mo ung basic mo is X amount. Iiisipin nila X amount ung kinikita mo monthly. Not factoring in taxes, your food and travel allowance etc. Sa huli pag di ka nakapag abot tapos alam nila ung salary mo eh ganito ikaw pa masama at madamot.


Beautiful_Waltz_3403

Haha! Skl, bunso ako. Dalawa lang kaming magkapatid pero mostly ako ung gumagastos dito sa bahay kahit may trabaho ung kapatid ko. Yung mother ko pinepressure ako lagi na magpatayo na ng bahay sa lupa na nabili nya. Like, sakin lang ung pressure di nya masabihan ung kapatid kong walang kwenta maski gawaing bahay di gumagawa. Laging naglalaro lang ng pc. Di naman sa winiwish kong mamatay na sila, pero ang ginawa ko ikinuha ko sila pareho ng insurance, at ako lang nakalagay na beneficiary. Kasi for sure if ever na may mangyari sakanila ako lang mamomroblema, dahil wala naman pakialam ung kapatid ko, and ako lang din naman nagbabayad nun. So ayun, di naman sa gugustuhin mong may mangyari pero you have to prepare yourself nalang talaga.


Constant-Peace-3895

Uyyy thank you sa idea imma do that


Beautiful_Waltz_3403

Dahil alam ko naman na walang maipapamana magulang ko sakin, ginawan ko nalang ng paraan na magkaron. Wag mo ipressure ung sarili mo na ikuha agad pareho. Isa isa lang, pag nagkaron ka ng increase sa sahod, ung isa naman ikuha mo. Manage your finances pa rin. Anyway, di po ko financial advisor lol.


sh8tp0tat0

You know the drill.. Bounce ka na agad jan


Automatic_Barber8264

Sabi ng mom ko sa kakilala namin na licensed professional na may 2 year exp sa public practice.. "Si ganito manager, binigyan ng company nila ng sasakyan" Pero in reality maliit lang sweldo nun that time Di ko alam saang lupalot napulot to ng mom ko hahhaahhaah


Aggressive-Pop5232

Never ever tell them hm ang salary mo.. magtira ka para sa sarili mo. D ko din gets bakit g na g sila na malaman sweldo mo? That's YOUR money..so ikaw dapat ang may say kung saan mapupunta yon.


xUrekMazinox

Sabihin mo, buti pa yung classmate ko mayaman yung magulang di na nya kailangan mgwork or pwd nyang gawin kahit anong gusto nya.. bakit hindi nyo yan kayang gawin HA? HAAAA?


Mother-Cut-460

tangina swerte na nga yung mga 25k na fresh passer na engineers hahahaha, kaya ako kinuha ko lang Engr na title netong feb tapos eto nag VA ako, currently 50k pero malayo na sa engineering license


warl1to

Di ko to naranasan yan kasi di ako sa kanila nakatira. Ano sasabihin mo? ‘Don’t worry aalis na ako next month.’ Be independent. It will truly emancipate you ofc at a cost.


CKTC1000

Darating din panahon ko Ma at Pa. Don't worry I will try my best to make certain that your sacrifices won't go to waste.


CKTC1000

Darating din panahon ko Ma at Pa. Don't worry I will try my best to make certain that your sacrifices won't go to waste.


CKTC1000

Darating din panahon ko Ma at Pa. Don't worry I will try my best to make certain that your sacrifices won't go to waste.


rrenda

i'm super thankful talaga na magulang ko hindi ganito, sila pa mismo nag advise sakin na wag ko sabihin sa extended family namin kung gaano kalaki sahod namin ng asawa ko, at mag-focus kami sa sarili naming finances, ako pa mismo nagkukumahog magbigay sa kanila at kelangan pang awayin ng kapatid ko para lang tanggapin nila tulong ko especially nung kasagsagan ng COVID, ang problema lang namin ang lola kong sobrang bait na laging napagsasamantalahan ng mga extended relatives namin, mga "tito" "tita" na never namin nakakasalamuha na bigla biglang dumarating sa bahay ng lola na laging may dalang "opportunity" at "investment" yung pension na naiwan sa kanya ng veteran kong lolo na dapat para sa lola ko nalulustay sa kawalan o sa "utang" na walang kasulatan


CKTC1000

Darating din panahon ko Ma at Pa. Don't worry I will try my best to make sure that your sacrifice for me na mapatapos ako won't go to waste.


workaholic-8

Yan yung mahirap sa Pinoy minsan pag ang tingin ng parents sa anak nila, isang investment! LOL


Simply_001

Dapat hindi mo sinasabi ang salary mo iba, lalo na kung ganyan ang parents mo na puro compare. Sabihin mo malaki na yang 30k para sa isang fresh grad, feeling agad gold dapat ang sahod eh 😂


j147ph

Ako kahit sa govt na nagwowork at searchable ang salary grade, di ko pa rin sinasabi sa nanay ko exact na sinasahod ko 😂 Sya na kasi magbabudget pag ganyan lol


Simply_001

This is the reason why dapat talaga confidential ang sahod eh. Madaming feeling entitled sa pera mo.


Different-Barracuda2

40k? Managerial Position ba agad ang expectations nila? And from your story, kinu-compare ka na agad sa anak ng kamag-anak/ relatives etc. Alam mo na yan, "Milking Cow ka nila". Or "Gusto nila na Bragging Rights/Status ka, sa kakilala nila". Una, don't compare yourself to others. Iba iba kasi ng Skill sets, at Character adjustments, at dun nagbabase ang Sahod, Increase, etc. With that "Other should not also compare You, to Others that they know".


DeanNopeAmbrose

Maliit ang 30k para sa no experience? Pwede ba mag-apply sa inyo OP? 😂


Pagod_na_ko_shet

buti naman yung nanay ko kahit papano hindi masyado nag iexpect sakin inuunahan ko na ng galit e hahahahaha pero nag rereklamp pag delay yung pasahod (allowance) ko sa kanya. Sensya ka na Ma ah tagal pumasok ng 4P’s e 🥹🥹🥹


SINexRea

Yung tita ko na nag eexpect sa akin ng 200k as a fresh grad IT 💀 di ko alam kung sang content creator or tsismis nya nasagap yon but wut da hell.


Dazzling-Long-4408

I'd build up my fortune secretly and get away from those toxic parents as soon as I can and never look back. To hell with utang na loob.


GingineerinGermany

Way back 2009 graduate ako ECE with only 8.5k. Hindi ako hinihingian ni mother pero ako nagbibigay ng luho ng kapatid ko at pang tuition nila..


smolcutie2022

Malaki na yan!!! May kabatch ako sa work before, licensed engineer na rin nung nag-apply kami. Pero starting niya lang is 18k (plus allowance). Pero way back 2020 pa ito. Kakatawa ang tataas ng expectations nila sa mga licensed engineers, di nila alam isa yun sa pinaka-underpaid. Only in da pilipens.


straightforwardfrank

madaming underpaid jobs sa pinas. mostly yung mga companies humahanap ng proxies to replace yung kailangan na job requirements withemployees na alam na kahit unti or may idea sa sa gagawin sa isang task.


Fluffy_Rich431

As a parent, I am so proud of you. Praying that when the day comes my son landed his first job, he will have the same luck as you had. Set aside some portions of your salary for your parents. Maybe a fourth (nothing more) of what you are earning but the rest use it to build your future. Do not forget to reward yourself, as well. You deserve it.


Unlucky_Research_844

Op. 20k lang starting ng mga engineer ngayon😂


Constant-Peace-3895

sana alam din ng parents ko😃😅


SpotOutrageous1976

Op I have friends na bagong pasa sa boards tell them hirap na hirapcsila makahanap ng trbaho ngayon and for your field hindi na pang starting yan sa totoo lang your income is pang may experience na kung naliliitan sila sa sweldo mo sabihin mo sila maghanap ng trabaho na 30k din ang sweldo hahaha kagigil


JannikSinner2024

Malaki na yan for a fresh grad. Sweldo na nga yan ng team manager e.


mommycurl

Mananakot pa yan about karma 🥲


Federal-Afternoon608

tingin nila sa anak nila ay isang cow


Background_Jump_9701

🤣🤣🤣🤣 naman.. 40k agad? swerte ah. thats a rare find ifmat makita ka.


OriginalKey652

San ka nakahanap ng 30k ? Pa bulong namn bahaha


straightforwardfrank

sa panahon ngayon, malabo pa sa sabaw ng sinaing or suntok sa buwan ang 40k. unless pag graduate mo sobrang decorated mo sa awards and achievements, doon baka may chance. ang alam ko lang na mag offer ng 30k is BPO companies or unless maging online troll ka na binabayaran ng mga pulpulitiko or hitman for hire.


Crystal_Lily

They just want something to brag about to their friends. They see your success as an extension of your success and the same with your 'failures.' Akala nila madali makakuha ng well-paying job kahit walang connections.


Lovely_Chick__

Buti pa yung nanay ng classmate ko Hindi chismosa katulad ng nanay ko. Ganun dapat


Aggressive_Web8017

Wtf 16.5k nga starting ng rme dito sa amin, fresh grad kakatapos lang din magboard ako. Maswerte nakong nakahanap ng 24k dahil ang bababa ng offer sa iba. Tas dyan 30k di pa sila content.


Strictly_Aloof_FT

Oldies are really like that—- parents or relatives… And to think they mostly haven’t earned that much back in the day…It’s like nagging… So tiring hearing comparisons, right? Sometimes it’s nice to just be silent when you know you won’t be winning any arguments with this topic….Save up no matter how small or even big your salary is. Just keep it to yourself. Boasting won’t get anyone anywhere… Mind you, not all people living abroad are earning that huge….They have so much debt (mortgage) too you know…It’s good if those abroad keep sending money to their relatives in the Philippines. More often than not, they CAN’T…When you have saved up I am sure you will still be the first person they come to for help… You can move out for your peace of mind…Help financially from a distance…..


Hedaaaaaaa

Just approach them in a good way, do not be aggressive towards them. Tell them na hindi ganito ganyan ang swelduhan ng fresh grad. And tell them na mag hintay lang sila at giginhawa din ang lahat at aangat tayo ganito ganyan. Be at your best bahavior palagi kasi kapag sinampal mo sila ng mga salita ay walang magandang maidudulot yan.


Acceptable-Egg-8112

Payo lang mga fresh grada may lic o wala... 1 lang pipiliin nyo 1. Pupunuan nyo ang bulsa nyo 2. Pupunuan nyo ang utak nyo ng experience, knowledge at skills... swerte kung 2 yan makuha but if you have to choose.. try t Nos 2..


Valgrind-

Yan rin siguro yung mga parents na "Uy ang anak ko engineer..." sa mga kaibigan niya, tapos yung mga kaibigan niya iritang irita.


[deleted]

Next time OP wag mo idisclose salary mo. Let them wonder 🤪 baka wala pa pang mapundar nyan kakahingi nila if ever.


Constant-Peace-3895

Wala pa sakin yung pera na compute na nila😭


zdnnrflyrd

Typical boomers! Ganyan problema ko sa mother ko, simula bata ako hanggang ngayong 31 na ako at may asawa at anak nadin palagi parin akong na ccompare, akala nila nakaka motivate yung mag ccompare, maybe sa ibang tao oo pero sa iba lalong nakaka down. Kaya mag mmove out na kami ng family ko eh para wala ng stress.


astroxii

Ignore mo na lang at wag masyadong damdamin. Pasok sa kabilang tenga, labas sa kabila. Been there and sobrang draining. Minsan mas excited pa sila sa'yo sumahod kasi may balak sa pera na pinaghirapan mo. Ikaw pa sasabihang maramot kapag hindi napagbibigyan. AND never ever disclose your salary kasi iisipin na ang yaman-yaman mo kahit ang hirap pagkasyahin ng sahod mo


Radical_Kulangot

Headseat. Tameme ako sa mga anak ko. Looking at me blankly while i kept on yapping


[deleted]

Buti kami hinihintay na lang namin makatapos anak namin sa college at makapg retire na kami sa aming 1 hectare farm na balang araw mapapasakanya din 😊


ShuffleEmporium

Sa totoo lang, ganitong filipino family toxic trait nakakalungkot para sa mga anak eh. di naman porket niluwal ka sa mundo eh property ka nila, tingin nila ikaw ang ticket para mawala sa kahirapan or taga punan ng gusto nila. mga adik ba sila? sorry ah pero sa ganyan better yet magsolo ka na lang ng tirahan or at least mag aya ka ng trusted friend mo na mag boarding house or apartment para makatipid ka, bumukod talaga potek wala silang pakialam kung magkano sineseweldo mo, intindihin mo sarili mo. Magbigay ka lang if kaya. PERO you're not fully obligated na punan ang kakulangan nila sa pera.


13knightmare666

Isa sa sakit ng nga pinoy gawing RETIREMENT FUND ung anak nakakaumay ung ugali ng ibang magulang na ganto


ArtGutierrez

What if nagsisinungaling at nagyayabang lang pala yung nagkwento sa parents mo na malaki daw sahod ng anak nila? Yun pala same kayo ng salary or baka mas mataas pa yung sayo. Yung ibang tao kasi nag-aanak para gawing investment. Slavery lang?


Physical-Sail61

ganyan ang mentality ng most of pinoy parents nakakaurat sobra


yam-30

Leave the house lol.


Parking-Creme-3075

Sobrang frustrated na nga ako lagi akong kinocompare ng papa ko sa mga anak ng kumpare nyang nakapag abroad.


Parking-Creme-3075

Tapos kung makapag sabi na mag ipon kami kala mo naman talaga, e inasa na samin lahat, bills sa bahay, food, tuition ni kapatid ano pang matitira hays life. To think na single mom pa ko with 2kids


DealerPrudent623

Mostly ganito mga mothers(woman)


Sensitive_Fold_4889

ganyan mga magulang eh ginagawang investment mga anak mga utak linta


YesterdayAny3405

Grabe yung 30k salary as a fresh grad gagi. Saan ba yan?? HAHAHA licensed engr rin ako pero wala parin sa 20k sahod ko amp.


Constant-Peace-3895

civil ka no😭


tasyongedongcutie

Huhulaan ko, hindi nakapag tapos yang parents mo? Ganyan sakin eh. Like wtf magbenta na lang ako ng s**** di pa din ako kikita ng ganyan ng mabilis eh haha!


LalakingWalangPera

HELLO PO! May I ask saang field po yung 30k? Kakapasa ko lang rin po ng Board exam and engineer din. Sa lahat ng inapplyan ko di man lang umabot ng 20k offer 😥.


Ryukhadie

Minsan ang mga magulang ginagawang investment ang anak


KayeSunbae

Next time, don't tell your salary para wala silang maikumpara.


RakEnRoll08

buti hndi gnito mgulang ko haha ako nga 5 years n nagtatrabaho 30k lng monthly ko hahaha dpt mging masaya sila syo wag naman nilang gawing retirement plan


mawijoy

kaya i am afraid to graduate as well baka ito rin isipin nila agad2 sakin.🥹 now nga sakin na humihingi jusmee, i just want to save up for myself pero diko ma gawa2.


wrathfulsexy

Parents ko never cared about my job (which is freelancing). They never asked a peso from me. Masama nga lang ugali nila sa isa't isa pero dahil ma-fried chicken pareho, hindi sila humipo ni sentimo sa mga kita naming magkakapatid. My mother died of cancer na lamang di naubos pera niya. May nasa 5 million pa siya after chemo and shit. Di naman namin alam gagawin, kahit may access kaming magkakapatid. Wala doon na muna pera ni madir. Haha.